Sinimulan na ng National Union of Journalists of the Philippines (NUJP) ang countdown sa ika-10 taon ng Ampatuan 58 (Maguindanao massacre) para sa 23 Nobyembre 2019.
Kung ating magugunita, 58 katao kabilang ang 32 media practitioners ang minasaker — ang tinaguriang pinakamatinding electoral violence sa kasaysayan ng bansa.
Isang atake lang ang pagmasaker sa 58 katao na kinabibilangan nga ng 32 mamamahayag.
Ang memorial countdown para sa Ampatuan 58 ay sinimulan kahapon sa pamamagitan ng simple candle-lighting ceremony sa Bantayog ng mga Bayani, Quezon Avenue, Quezon CIty.
Sa pamamagitan ng pagsusuot ng itim na laso nanawagan ang NUJP na ituloy ang laban para sa katarungan sa mga biktima ng Ampatuan massacre.
Justice for victims of Ampatuan massacre!
Justice for all victims of attacks against journalists!
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap