DAPAT litisin ang mga batang nahuhuling sangkot sa kriminalidad pero ipatupad ang hatol kapag napatunayan sa sandaling sumapit na sa wastong gulang ang mga batang suspek.
Bahagi ito ng pangunahing tugon ni Senador Panfilo Lacson ukol sa panukalang nagbababa sa siyam mula 15 anyos ang “age of criminal liability.”
“I support lowering the age of criminal liability to a certain level,” ipinunto ni Lacson, bagama’t masyadong mababa ang 9 anyos.
Sa kanyang Twitter account, idinagdag ni Lacson ang kondisyon para suportahan ang pagbaba ng “age of criminal liability.”
Sa panig ng edad, kailangan muna umanong maklaro sa pamamagitan ng mga siyentipikong pag-aaral kung ano ang katanggap-tanggap na edad para maisalang sa paglilitis.
(CYNTHIA MARTIN)