Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Manila Zoo, ipinasara ni Erap (Waste treatment facility ipagagawa)

BILANG suporta sa rehabilitasyon ng Mani­la Bay, ipinasara pansamantala ni Manila Mayor Joseph Estrada ang Manila Zoo.

Una nang tinukoy ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu ang   Manila Zoo na isa sa mga pangunahing nagtatapon ng   maruming tubig sa Manila Bay.

Batay sa memorandum na inilabas ni Estrada, inatasan niya sina City Administrator Atty. Ericson Alcovendaz, Department of Engineering and Public Services City Engineer Rogelio Legaspi, Department of Public Services  head Lilybelle Borromeo, Task Force Manila Clean chief Rafael Borromeo at  Atty. Jasyrr Garcia administrator ng Maynila na agad isailalim sa rehabilitasyon ang nasabing zoo.

Kasabay nito, sinabi ni Estrada na ipagagawa na rin nila ang waste treatment facility upang maiwasang  makaapekto sa tubig sa Manila Bay at iba pang  baybaying dagat.

Ayon kay Estrada, hindi na maaaring patagalin ang  rehabilitasyon ng Manila Zoo lalo pa’t maraming depektibo at hindi na maayos ang pasilidad.

Nabatid na nagsumite na ng programa para sa rehabilitasyon sina Alcovendaz, Legaspi at Borromeo ang pagsasara matapos magsagawa ng inspeksiyon ang  DENR.

Dagdag ni Estrada, pansamantala la­mang ang closure upang mas maging maayos at maaliwalas ang  pamamasyal sa loob ng Manila Zoo.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

MegaFUNalo Gioco Technologies

Partnership ng MegaFUNalo at Gioco Technologies inilunsad

OPISYAL na nakipag-partner ang MegaFUNalo sa Gioco Games, isang all-Filipino na game development studio, upang …

FGO Logo

Libreng seminar ng FGO Herbal Foundation

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Magandang araw po! Ang FGO Herbal Foundation ay …

Jennifer Boles

Jhen Boles deadma sa paninirang natatanggap

MATABILni John Fontanilla IPINAPASA-DIYOS na lang ng businesswoman at philanthropist na si  Jennifer Boles ang mga taong …

KALARO Jun Lasco Darren Bautista

KALARO: Pagbuo ng Kinabukasan ng Sports sa Pamamagitan ng Isang Pinag-isang Digital Ecosystem

BAGO pa man naging isang Sports Super-App ang KALARO, ang kuwento nito ay nagsimula na …

NUSTAR Online Sinulog

NUSTAR Online binigyang parangal Pista ng Sinulog, nagbigay-serbisyo sa mga taga-Talisay

HABANG ang mga kalsada sa Cebu ay buhay na buhay sa sayawan, kantahan, at bonggang …