Monday , December 15 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Lara Morena negosyante na ng special leche flan mula sa recipe ng kanyang lola (Kung noon ay pa-sexy sa pelikula!)

ILANG sexy movies rin ang ginawa noon ni Lara Morena sa OctoArts Films at mga independent movie outfit bago siya nalinya sa comedy at action. At ngayong hindi na visible sa showbiz at mukhang kontento na sa pagiging girlfriend ni Paolo Bediones ay nakaisip ng negosyo si Lara at ito ang leche flan in Kapampangan style na siya mismo ang nagluto at turo daw ng kanyang lola.

At nang kanya itong i-post sa kanyang Facebook account na Mylene Sanchez (totoong pangalan ng sexy star), ilang minuto lang ay dinagsa na agad nang maraming orders si Lara na galing sa kanyang mga showbiz at non-showbiz friends.

In fairness bulto-bulto ang orders kaya agad na nagpunta si Lara sa isang grocery store para bumili ng ingredients at llanera. Dahil agad na pumatok ang kanyang leche flan, mukhang kakarerin na ni Lara ang ne­gosyo na pina­ngalan niya ng MYE Home­made Specials.

“Sa mga pending na or­ders ng Leche flan gina­gawa ko na po please bear with me. wala po akong assistant ako lang po talaga lahat ang gu­magawa, pu­nong puno po ng pagmamahal ‘yan kaya masarap! Sa mga friends ko na sumuporta po sa unang araw ko kahapon at talagang dumayo pa para matikman at mai-share sa ibang mga kaibigan. Maraming maraming salamat, hindi ko na isa-isahan mga pangalan n’yo, you know who you are, mahal ko kayo!”

Post pa ng actress sa kanyang social media account.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

 

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …