IMBES parusahan at ikulong ang mga kabataan mas nararapat na sagipin sila ng pamahalaan.
Ito ang pahayag ni Senadora Grace Poe sa isinusulong na pagbaba ng criminal liability sa edad 9 anyos.
Naniniwala ang senadora na ang pagbaba sa edad 9 anyos ng criminal liability ay hindi tamang sagot para mabawasan ang pagkakasangkot ng mga kabataan sa krimen.
Ipinunto ni Poe na naghain siya noong 2016 ng senate resolution 156 na naglalayon ng pagtutol sa mga hakbang na ibaba ang edad ng mga nasasangkot sa krimen.
Naniniwala si Poe na anti-poor ang isinusulong na pagbaba sa 9 anyos ng criminal liability dahil pawang mahihirap na kabataan ang mapaparusahan na walang kakayahan para sa legal service. (CM)