IGINIIT ni Senate President Vicente Tito Sotto III na hindi ang implementasyon ang sablay sa ipinatutupad na Juvenile Justice Welfare Act kundi ang batas mismo.
Ito ang naging sagot ni Sotto sa pagdinig sa senado na kakulangan sa pondo kung bakit sumablay ang implementasyon ng naturang batas.
Lumabas sa pagdinig na kaya pinakakawalan ang ilang kabataan na sangkot sa heinous crime tulad ng rape dahil sa kakulangan sa bahay pag-asa, kawalan ng pondo para ipatupad ito ng local government units.
Nakasaad kasi sa batas na ang LGUs ang namamahala at lilikom ng pondo para sa pagpapatayo ng bahay pag-asa.
Ayon kay Sotto iyon ang mali sa batas na ipinaubaya sa LGUs ang paglikha ng pondo para sa bahay pag-asa.
Giit ng senador palibhasa hindi naging local government official ang mga gumawa ng batas na Juvenile Justice Welfare Act.
Naniniwala si Sotto na hindi kakayanin ng LGUs na pondohan ang mga bahay pag-asa kaya naging palpak ang batas.
Ayon sa Senador, sa kanilang isinusulong na batas na bukod sa pagbaba sa criminal liability, isinusulong din nila na ang national government ang dapat magpondo sa bahay pag-asa na paglalagyan ng minor offenders.
Aniya ang DOH, DILG at ang DSWD ang mamamahala sa bahay pag-asa na kanilang isinusulong upang maging epektibo ito.
Hindi naman pabor si Sotto sa pagbaba sa 9 anyos ang criminal liability sa halip mas naaayon aniya ang 12 anyos kung ibabase sa standard ng United Nation.
Inilinaw din ni Sotto na hindi sa kulungan dadalhin ang 12 anyos na lalabag sa batas tulad ng haka-haka ng mga tutol sa panukala.
Ipinakita ni Sotto ang nakuhang records sa PNP noong taon 2018 na umabot sa 1.813 kabataan mula edad 17 anyos pababa ang nasangkot sa pagnanakaw, 1,086 sa kasong physical injuries at 862 ang nahaharap sa kasong rape.
Pinakamarami ang kabataan na edad 17 anyos pababa ang nasangkot sa kasong theft na umabot sa 3,905 noong taon 2016.
(CYNTHIA MARTIN)