Good pm Señor H,
‘Yun dream ko po about sa ebak at tinidor sinundot o tinusok ko daw ng tinidor un ebak, yun na po, salamt wag nio n lng popost cp # ko – I’m Lynlyn
To Lynlyn,
Ang bungang-tulog hinggil sa dumi ng tao o tae ay nagpapakita ng paglabas ng iyong damdamin o emosyon, o pag-aalis sa mga bagay na walang pakinabang sa iyong buhay. Gaya nang mga naunang sinabi ko, puwede rin naman na may mga pagkakataong ganito na nananaginip ang isang tao na kailangan niyang magpunta sa banyo talaga dahil iyon ang tunay na nararamdaman ng katawan niya habang natutulog.
Nagsasaad din ang panaginip mo na dapat gamitin ang full potential ng kakayahan mo sa lahat ng pagkakataon. Maaari rin naman na nagsasaad ito ng mga bagay na marumi at negatibo, pati na sa iyong sarili na pinaniniwalaan mo rin na hindi maganda.
Dapat mong kilalanin ang mga bagay na ito kahit maaaring nakahihiya man. Ilabas mo ang mga negative sa iyong buhay. May mga paniwala rin na kapag nanaginip ng dumi o human waste ay nagsasaad ito ng possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya maaaring may kinalaman din ang ganitong uri ng panaginip sa agam-agam hinggil sa usapin sa negosyo o pera.
Ang tinidor naman ay nagre-represent ng extension ng iyong reach. Ikaw ay nasa tamang daan sa iyong minimithi sa buhay. Alternatively, maaari rin namang ito ay isang pun na, “Fork it over.”
Nararamdaman mo ba na ikaw ay pinipilit or being coerced? Kung ang panaginip naman ay sinasaksak ka ng tinidor, nagsasaad ito na ikaw ay masyadong picky sa mga ideas o suggestions na ipinipresenta sa iyo.
Kapag naman nakakita na may kumakain gamit ang tinidor, nagsasaad ito na ang iyong mga kasalukuyang alalahanin ay maaaring mawawala na sa tulong ng iyong isang kaibigan.
Señor H.
Panaginip mo,
Interpret ko
ni Señor H.