MULING pinunturahan ang eroplano ng isang Hong Kong based airline matapos ang kapansin-pansing typographical error sa pangalan ng Airline Company.
Sa twitter, ini-post ng Cathay Pacific ang larawan ng eroplano na bagong pintura pero ang nakalimbag na pangalan ay “Cathay Paciic” na kulang ng letrang F.
Nagbiro pa ang airline company sa kanilang tweet at sinabing saan ibabalik ang nasabing eroplano sa paint shop.
Ang ibang netizens, ginawang katatawanan ang pagkakamali at gumawa pa ng mga memes para maresolba na ang problema.
May ilan namang seryoso ang reaksiyon sa nangyari at sinabing kung sa spelling lamang ay nagkakamali pa ang Cathay Pacific, paano pa kaya sa engineering ng eroplano.
Hindi ito ang unang pagkakataon na nagkamali ang pintura ng isa sa eroplano ng Cathay Pacific dahil noon, ang brushwing ng logo ay baliktad ang pagkakapintura.