Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Tumatagal lalong humihina

TILA humihina at nawawala ang tunog ng mga baguhang kandidato sa lungsod ng Pasay.
Sa una lang maiingay, tumatagal, nabubura na ang ingay ng mga pangalan. Dahil kung tunay na malakas ang loob ng mga baguhang kandidato, ngayon pa lang ay umiikot na para magpakilala o gumawa ng mga bagay na makatutulong sa mga botante.
Tunay na bawal pa ang hayagang kampanya, dahil baka ma-disqualify ng Comelec, pero puwede naman ng solo-solo muna para makilala… kaso, wala e… ‘di tulad ng mga incumbent officials na tuloy-tuloy ang serbisyo-publiko!
Kaya nga suwerte o milagro na ang isang baguhan ay manalo lalo na kung hindi pa subok ng mga botante, maliban nga lang sa mga anak o kapatid ng dating politiko, malaki ang tsansa! Pero kung tunay na bagito, ngayon pa lang kailangan nang magsipag sa kaiikot at pag-kamay sa mga botante!
Kaya wish ko sa mga bagitong kandidato na malalaks ang loob, good luck na lang sa inyo!

NO EXTENSION SA PAGBABAYAD
NG BUSINESS AND REAL
PROPERTY TAXES
Lubhang mahigpit ngayon ang lahat ng siyudad at munisipalidad sa pagbabayad ng taxes, dati ay may extension, ngayon ay wala na kahit tax amnesty ay hindi na nagkakaloob, kung mayroon man ay konting discounts na lamang.
Ang mabigat kapag ‘di nakapagbayad sa tamang oras ay napakalaki ng penalty.
Kaya dapat matuto na ang lahat, dahil mahigpit ngayon ang bayaran. Lalo pa’t malapit na ang eleksiyon sa lokal, sinisiguro ng incumbent mayors na maayos ang koleksiyon ng kanyang administrasyon!
Ang tanging pagbabago na aking napansin ay may libreng meryenda sa lungsod ng Pasay, maging sa lungsod ng Parañaque.
Sa Las Piñas naman ay may libreng kape. Bukod tangi ang lungsod ng Parañaque na may kape na, may siopao pa at may meals pa… saan ka pa?
Ibang klase ang Treasury Dep’t ng pamahalaang lokal ng lungsod ng Pasay!

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Amor Virata

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …