TUTOL si Senadora Nancy Binay na ibaba ang edad ng kabataan na nasasangkot sa krimen.
Ayon kay Binay may ibang paraan upang mailigtas ang ilang kabataan.
Mahigpit ang pagtutol ni Binay na ibaba ang edad ng kabataan mula 15 anyos sa 9 anyos para samaoahan ng kasong kriminal.
“As a mother of 9-year old twins, alam ko sa ganitong edad wala pa silang tamang kakayahan to decide kung ano ang tama at mali,” ayon kay Binay.
Kasunod ng hiling ni Binay sa mga kapwa mambabatas na pag-aralang mabuti ang panukala na maaaring makaapekto sa mga kabataan.
“Studies in Psychology and Neurobiology show that brain function reach maturity only at around 16 years old,” ayon kay Binay.
“Hinihimok po natin ang mga kapwa natin mambabatas na huwag madaliin at magpadalos-dalos sa mga batas na magtatakda sa kinabukasan ng mga bata,” ayon kay Binay.
Kung ginagamit ng sindikato ang mga kabataan sa kanilang operasyon sa paggawa ng krimen dapat na pag-ibayuhin ang trabaho ng mga awtoridad upang maisalba ang kabataan na mapaghinalaan o masisi.
“Hindi po lahat ng bata ay batang-hamog, at kaagad na lang ituturing na delinkuwente ‘pag nagkamali. At hindi lahat ng batang nalihis ng landas ay agad na ituturing na kriminal. We are definitely missing the point regarding this issue. These manipulated youth are also victims. We need to strengthen our social systems and not only the penal system,” dagdag ni Binay.
Binigyang-diin ni Binay, dapat mahigpit na ipatupad ang pagbuo ng barangay councils for the protection of children (BCPC).
“RA 9344 mandates that LGUs should allot 1% of their internal revenue allotment (IRA) for the BCPCs, which have the power to take preventive steps against juvenile delinquency” ani Binay.
“Hindi dapat tratuhin na parang mga halang na kriminal ang mga bata. They don’t deserve to be condemned by society. They are children. These kids are practically victims of circumstances.”
(CYNTHIA MARTIN)