Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Super Boy Dayao babasag muli ng rekord

HANDANG bumasag muli ng panibagong Philippine Powerlifting record ang Super Boy ng Philippine sports na si Jose “Sunday” Masangkay Dayao 111 ng Cyber Muscle Gym sa 38kgs developmental category sa gaganaping 2019  5 In 1 Philippine Luzon Open Powerlifting Championships sa Barangay Greater Lagro covered stage Q.C. sa darating na  Linggo.

Plano  ng mag-amang Cirilo at Jose Dayao 111 na muling wasakin ang hawak ding sariling record sa Squat-77.5kgs, Bench Press-40kgs, DeadLift-85kgs at Total-202.5kgs.

Nasa magandang kondisyon  ang 11-years old na si Dayao para sa darating na kompetisyon  at unti-unti na nilang binabawasan ang kanilang training, upang makapag­buhat ang batang si Dayao na mas mabigat sa hawak niyang mga Phi­lip­pine record.

Nakatakdang  makipagtagisan din ng lakas sa 66kgs sa Luzon open sina  Francis Oliver Retardo ng BARS at Isiah De Villa ng Bistro Char­lemagne, bubuhat din sa 105kgs  men’s open si Christopher Uichanco ng Chopain, sa women’s division inaasahang darating si Asian record holder Joyce Gail Reboton-84kg division at Jeremy Reign Bautista-57kg women’s jr division.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

UAAP DLSU NU

DLSU panalo sa NU

TINALO ng De La Salle University ang may twice-to-beat advantage na National University, 87-77, nitong …

Bambol Tolentino Alexandra Eala Bryan Bagunas

Eala, Bagunas napiling flag bearer ng Team PH sa 33rd SEA Games sa Bangkok

IPINAHAYAG ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino ang pagpili sa dalawa sa …

ArenaPlus Gilas Pilipinas

ArenaPlus and Gilas Pilipinas team up for the upcoming FIBA World Cup Asian Qualifiers

ArenaPlus renews its sponsorship with Gilas Pilipinas, ahead of the 2027 FIBA World Cup as …

FIFA Futsal Womens

Nangungunang Brazil Makakaharap ang Asian Champion na Japan sa Pag-init ng Futsal Quarterfinals

MGA LARO NGAYON(PHILSPORTS ARENA)6 P.M. – PORTUGAL VS ITALY8:30 P.M. – BRAZIL VS JAPAN MAKAKAHARAP …

Criss Cross King Crunchers

King Crunchers, Sinungkit ang Kasaysayan! Dinurog ang Japan sa Epikong Limang-Set para sa Spikers’ Turf Title

SA WAKAS, nakamit ng Criss Cross ang matagal nang inaasam na korona sa Spikers’ Turf—hindi …