Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel Locsin mas nag-level-up ang pagiging actress sa “The General’s Daughter” (Puwedeng bigyan ng perfect 10 rating)

TAMA ang desisyon ng creative team ng Dreamscape Entertainment na kay Angel Locsin nila ibinigay ang “The General’s Daughter” dahil nang mapanood namin ang special screening ng pinakaaabangang teleserye ni Angel sa Trinoma Cinema 6 ay punong-puno ang buong sinehan.

Fitted talaga para sa Kapamilya actress ang character na kanyang ginagampanan sa soap bilang si Rhia Bonifacio, nurse at 2nd Lt ang ranggo sa militar.

Sa opening pa lang ay mapapahanga na sa malaking eksena na inililigtas ni Angel ang mga mangingisda laban sa kalaban. Dito ipinakita ng actress na hindi lang siya mahusay sa drama kundi hawak din niya ang titulong bagong “Action Queen.”

Yes, ang galing sa fight scenes ni Angel at kitang-kita na wala siyang double sa kanyang stunts.

Sa eksena sa barrio, kung saan kinupkop siya at tinulungang pagalingin ni Manang Belle (Maricel Soriano), nagkaroon siya ng amnesia at sobrang intense ang ipinakita niyang acting sa nasabing eksena. Ang husay-husay niya (Locsin) at talagang maniniwala ang audience na mayroon siyang amnesia.

Sa acting na ipama­malas ay puwede siyang bigyan ng perfect 10 na rating at sigurado walang magtataas nang kilay.

Kayang-kaya rin makipagsabayan ni Angel kay Tirso Cruz III na binulag siya sa katotohanan at pinaniwalang siya ang ama niya pero gagamitin pala siya sa misyon nito para patayin ang mortal na kaaway na si Gen. Marcial de Leon (Albert Martinez) na sinisisi niya sa pagkamatay ng kanyang anak.

Aminado si Angel na sa lahat ng ginawa niyang teleseryesa ABS-CBN ay dito siya nahirapan nang husto sa  The General’s Daughter.

“Marami akong naga­wang roles, pero masa­sabi ko na ito ‘yung pinaka-complex character na ginawa ko. Mahirap po siya. Pero fun dahil ang mga kaeksena ko maga­galing umarte, so naka­kukuha ako sa kanila ng emosyon,” sabi ng Primetime Action-Drama Queen.

“I think ito ‘yung perfect moment na babalik po ako sa teleserye. Parang nandito po lahat ‘yung dream ko maka­trabaho. Napapaligiran (ako) ng mga idol ko po, mga tinitingala, at inire­respeto ko po sa indus­triya,” papuri niya sa cast ng serye.

Sina Paulo Avelino at JC de Vera ang leading men ni Angel sa nasabing serye, na bahagi rin ang ilan sa mga dekalibreng actor gaya nina Eula Valdez, Janice de Belen, Arjo Atayde, sa direksiyon nina Manny Palo at Mervyn Brondial at mapapanood na simula ngayong Lunes pagkatapos ng FPJ’s Ang Probinsyano sa ABS-CBN Primetime Bida.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …