Saturday , December 21 2024

Road board ‘bubuwagin’

INATASAN ni Senate President Vicente Tito Sotto III  si Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri na makipagpulong kay House Majority Leader Rolando Andaya, Jr.

Ito ay para iparating ang stand ng senado na ini-adopt na nila ang panukala ng house na bu­wagin na ang road board.

Sinabi ni Sotto na ‘yun ang napagkasunduan nila sa isinagawang all senators caucus  ukol sa isyu ng pagbuwag ng road board.

Inamin ni Zubiri bu­kas, ipararating ang pananaw ng senado, na kanilang unang ini-adopt ang version ng kamara sa pagbuwag ng road board.

Aalamin umano ni Zubri kay Andaya kung sasang-ayon ang house sa paninindigan ng senado na ini-adopt nila ang panukala ng kongreso sa pagbuwag ng road board.

Marami ang hindi pabor na…

Pangalawa nais ipa­ra­ting ni Zubiri kay Anda­ya na ang mako­kolekta sa road users’ tax ay ipapa­sok sa national treasury o General Appro­priations Act.

Paliwanag ni Zubiri, kahit buwag na ang road users’ board tuloy pa rin ang pagkolekta ng pama­halaan sa nasabing buwis.

Sinabi ng senador, kung magkakasundo ang senado at kongreso sa pakikipagpulong kay Andaya ukol sa nais ng senado, maaari silang magharap sa Bicam ngu­nit kapag iginiit ng kampo ni Andaya ang pagtutol sa pagbuwag malabo umano.

Aabot sa P12 bilyon ang makokolekta taon-taon sa road users’ tax na maaaring gamitin sa road projects at maging sa Universal Health Care Law.

Kung si Senate Mino­rity Leader Franklin Drilon ang tatanungin, para sa kanya, hindi na kailangan ang Bicam sa isyu ng pagbuwag sa roadboard dahil ini-adopt ito ng senado at kailangan mai­sumite sa Palasyo para maging ganap na batas ang pagbuwag sa natu­rang ahensiya.

Naungkat ang pagbu­wag sa road board nang mabatid na ginagawang gatasan ng ilang kongre­sista ang pondo na naku­kuha mula sa road users tax.

ni CYNTHIA MARTIN

About Cynthia Martin

Check Also

dead gun

Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL

IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …

Senate CHED

Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado

SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …

Sim Cards

Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC

BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …

Motorcycle Hand

Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP

NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …

Dead body, feet

Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY

PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *