NARITO na ang huling parte ng aming kolum ukol sa listahan ng mga pinakamaiinit na bituin ng Pinoy showbiz.
13. Matagumpay na pinagsabay ni Jodi Sta. Maria ang showbiz career at pagiging estudyante, at single parent sa anak n’ya sa rati n’yang asawang si Pampi Lacson (na naging bagong live-in boyfriend ng ex-actress na si Iwa Moto.
Naayos ni Jodi ang relasyon n’ya kina Pampi at Iwa. May ilang buwan ding nagkabalikan si Jodi at si Jolo Revilla at pati si Jolo at ang anak n’ya sa naging girlfriend n’yang si Grace Adriano (anak ni Rossana Roces) ay nakasundo ng mag-partner na Iwa at Pampi.
Itinambal si Jodi kay Robin Padilla sa seryeng Sana Dalawa ang Puso at habang ginagawa nila ‘yon ay naisip ni Jodi na mag-aral muli sa kolehiyo sa isang international school. Naging matagumpay ang serye pati na ang pag-aaral n’ya. Mismong ang Southville International Schools & Colleges ay ibinabalitang ang aktres ang top student nila sa kursong Psychology.
14. Na-sustain nina Maine Mendoza at Alden Richards ang career nila bilang ex-love team. Noong Nobyembre 2017, kumalas si Maine sa loveteam nila ni Alden dahil hindi naman totoong may romantic relationship sila na siyang gusto ng AlDub natiowide fans club na ikinilos nila sa totoong buhay. Kumalas si Maine dahil ang pakiramdam n’ya ay nasasakal na siya sa dikta ng fans.
Nagtuloy-tuloy naman ang respective career nila lalo pa’t itinuloy naman nila ang pagti-team up sa Eat Bulaga. Nagkaroon ng solo serye si Alden, ang Victor Magtanggol na tumagal naman ng ilang buwan bagama’t ‘di ito nakaagapay sa ratings ng FPJ’s Ang Probinsyano sa Kapuso Network.
Si Maine naman ay kinuha ni Vic Sotto para gumanap na isa sa mga anak n’ya sa weekly sit-com na Daddy’s Gurl sa Kapuso Network.
Kinuha rin siya nina Coco at Bossing sa kauna-unahang pagsasama nila sa pelikula na pang-Metro Manila Film Festival 2018. Silang tatlo ang bida sa Jack Em Popoy na pumapangalawa sa Fantastica nina Vice Ganda, Dingdong Dantes, at Richard Gutierrez.
Sa pagsusyuting ng Jack Em Popoy, naging malapit sina Maine at ang kontrabidang si Arjo Atayde. At mukhang magtutuloy-tuloy ang pribadong relasyon nila na maaaring maging career relationship din ngayong 2019.
15. Nag-breakthrough si Tony Labrusca. ‘Di siya nagwagi sa Kapamilya search na Super Pinoy Boy Band, itinrayanggulo kina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo sa La Luna Sangre, na kinainisan ng fans ng dalawa, at isinama kay Eddie Garcia sa ML na entry sa Cinemalaya 2018 kaya’t nagsimulang maging prestigious ang pangalan. Ginawang bida sa Cinema One digital film festival entry na Doubletwisting, Doublebacking, na sinundan ng naging hot na hot na digital film ng iWant TV na Glorious, na nakipagromansa ng umaatikabo kay Angel Aquino na ang edad ay doble nang sa kanya.
Naging cover siya at featured personality sa maraming pa-sosyal na magazine. Kasama siya sa isa sa mga teleserye ng Kapamilya Network ngayong 2019.
16. Namayagpag pa rin ang sexy single moms na sina Angel Aquino, Sunshine Cruz, at Aiko Melendez sa mga progestogen ng Kapamilya Network. Si Angel, pagkatapos makipagromansahan sa 23-year-old na so Tony ay sa senior citizen namang si Lito Lapid nagsimulang makipagromansahan sa FPJ’s Ang Probinsyano bago matapos ang 2018.
17. Sinuportahan nang husto ni Liza Dino-Seguerra, bilang puno ng Film Development Council of the Philippines, na magpatuloy ang pagkilala sa pelikulang Filipino sa ibang bansa. Sinuportahan ng FDCP ang pagtatanghal ng mga pelikula natin sa maraming major international film festivals, na patuloy kinilala ang mga beteranong direktor na gaya nina Lav Diaz at Brillante Mendoza.
18. Patuloy na pamamayagpag ng indie films kahit na ‘di kumikita ang mga ito sa mainstream films ng Star Cinema, Regal, at Viva. Sa indie films nakilala nang husto sina Bela Padilla, JC Santos, at Angeli Bayani. Sa indie films din nabigyan ng title roles uli si Eddie Garcia at nakilala nang lubusan si Pokwang bilang seryosong aktres.
KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas