Friday , November 15 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

56-anyos retirement sa gobyerno aprub sa Kamara

ISA tayo sa mga natuwa nang aprobahan ng Kamara (206 affirmative votes) sa third and final reading ang panukalang pababain ang edad ng retirement age ng government employees na mula sa 60 o 65 ay maging 56 years old na lamang.

Sa ilalim ng House Bill No. 8683 inaamyendahan nito ang Section 13-A ng Republic Act 8291 o Government Service Insurance Act of 1997.

Sa ilalim ng proposed amendment sinasabi nito na ang empleyado ng gobyernong nasa edad 56-anyos ay maaari nang maghain ng kanyang  retirement.

Sila ay makikinabang din ng old-age pension for life mula sa Government Service Insurance System (GSIS).

Ayon sa principal author ng bill na ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio, ang maagang retirement age sa government workers ay tamang panahon upang mapakinabangan nila ang kanilang mga benepisyo.

Kadalasan kasi ng mga nagreretiro ngayon, ang kanilang pensiyon ay napupunta sa pagbili ng gamot at hindi sa ibang bagay na makatutu­long para paunlarin ang kanilang sarili o matikman nila ang magaang na buhay sa piling ng kanilang pamilya.

Noong minsang tangkain nating pumasok sa party-list, isa ‘yan sa mga unang proyekto na inisip naming gawin, pababain ang retirement at senior citizen age para mas ma-enjoy nila ang mga benepisyong makatutulong upang humaba pa ang kanilang buhay, maging masaya at hindi miserable.

Sana ay hindi lang sa government workers magkaroon ng batas na gaya nito, ganoon din sana sa mga senior citizen na mahabang panahon na nagtrabaho sa private sector lalo na ‘yung walang kakayahang magbayad ng lifetime insurance.

Umaasa tayo na magiging mahusay ang ating pamahalaan  kung paano titipunin ang pondong ilalaan para sa ating senior citizens.

Saludo tayo sa ganyang mga panukala. Mabilis sanang maaprobahan ‘yan sa Senado at suportahan ng liderato ni Tito Sen.

Mabuhay ka ACT Teachers party-list Rep. Antonio Tinio!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Firing Line Robert Roque

Mga senador na nasa tama, nagkamali

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. MARAHIL humupa na sa ngayon ang galit ng publiko …

Aksyon Agad Almar Danguilan

“Kian Bill” para sa mga inosente, isabatas na!

AKSYON AGADni Almar Danguilan IYAN ang sigaw o panawagan ng grupong Akbayan Partylist sa Kongreso. …

PADAYON logo ni Teddy Brul

Upakan sa Pasig umiinit

PADAYONni Teddy Brul HINAMON ni dating Pasig City councilor, Atty. Ian Sia si Mayor Vico …

Sipat Mat Vicencio

Imee Marcos hinayaan babuyin ang amang si Makoy

SIPATni Mat Vicencio HINDI man lamang nagawang ipagtanggol ni Senator Imee Marcos ang kanyang amang …

Dragon Lady Amor Virata

Overstay sa Amerika, deportation parusa ni Trump

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MARAMING Pinoy ang nangangamba ngayon sa Amerika lalo mga …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *