MAWAWALAN ng puwesto sina Stanley Pringle at Christian Standhardinger kung sakaling makabalik si NBA veteran Andray Blatche sa Pambansang koponan.
Hinayag ni national coach Yeng Guiao matapos nitong tuluyang limitahan na lamang ang koponan sa 15 miyembro para mas madali nitong maisasagawa ang pagpapalitan at mabuo ang “chemistry” sa pagbabalik pagsasanay sa Enero 21.
“Most of them will be back at saka ‘yung pool natin, maliit na lamang para mas madaling pumili. Mas madali rin nilang maaabsorb ang game plan at mas madali silang matuto kapag nagpractice kami. Not necessarily na lahat ng mga dati ay kasama kasi madadagdag na si Andray Blatche,” hayag ni Guiao.
“Blatche is a game changer, the only concerned about is what type of condition is he in, kapag talagang maganda ang condition niya at motivated siya, he will make a lot of change in the national team,” dagdag ni Guiao.
Sinabi pa ni Guiao na lubhang nakakadismaya dahil mawawalan ng puwesto sina Pringle at Standhardingers dahil nakalista ang tatlo kasama si Blatche bilang mga naturalized player.
“Naturally mawawalan sila ng slot, that’s the harsh reality that we have to face. Desmayadong-desmayado talaga ako. ani Guiao.
(ARABELA PRINCESS DAWA)