It’s official!
Ang ikatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino ngayong 2019 ay gaganapin simula 11 Setyembre hanggang 17 Setyembre na magiging opisyal na selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino.
Bilang flagship program ng Film Development Council of the Philippines (FDCP), ang PPP ay isang linggong selebrasyon na ekslusibong magpapalabas ng mga dekalidad na pelikulang Filipino sa iba’t ibang genre sa lahat ng sinehan sa buong bansa.
Ito ang mga pelikulang may compelling narratives at elevated storytelling na appealing at makaeengganyo sa maraming iba’t ibang klaseng manonood.
“We are excited to involve the entire nation in the celebration of our One Hundred Years [of PH Cinema] and what better way to do it than to engage our audience to support our quality genre films especially made for them. What we are looking for are films which have original narrative and unique storytelling but accessible to a wide audience and we cannot wait to showcase another amazing lineup this September.
“Excited na kaming isali ang buong bansa sa selebrasyon ng Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino at ang mas magandang paraan upang gawin ito ay maengganyo natin ang ating manonood na suportahan ang dekalidad na genre films na espesyal na ginawa para sa kanila.
“Ang mga hinahanap namin ay mga pelikulang may original narrative at kakaibang mga paglalahad ng kuwento pero accessible sa mas malawak na manonood at hindi kami makapaghintay na maipakita ang isa na namang kakaibang lineup ngayong Setyembre,” sabi ni FDCP Chairperson Liza Diño.
Ang Sandaang Taon ng Pelikulang Pilipino ay kinilala sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 622 Series na nilagdaan noong Nobyembre na nagtatalaga sa FDCP bilang lead agency para sa selebrasyong ito.
Ang historic milestone na ito ay ipinahayag sa karangalan ng Dalagang Bukid ni Jose Nepomuceno na ipinalabas noong 12 Setyembre 1919, at itinuring na pinakaunang pelikulang gawa ng Filipino.
Ang buong detalye sa mechanics at iba pang impormasyon sa call for entries ay ipapahayag sa lalong madaling panahon.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma