Wednesday , April 9 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Ex-DFA passport contractor tirador?!

SABI na nga ba’t walang gagawing matino ‘yang APO UGEC na kakontrata ng dating administrasyon para mag-imprenta ng mga pasaporte natin.

Aba, mantakin ninyong nang i-terminate ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang kontrata sa kanila e, dalhin ba naman ang mga datos ng mga passport owner (database)?!

Tama ba ‘yun?!

Pagkatapos silang bayaran ng gobyerno at pagkakitaan nila ang pagkatumal-tumal nilang pag-iimprenta ng pasaporte ng mga Filipino, e nakuha pa nilang ‘nakawin’ ang database ng DFA Consular’s Office?!

Wattafak!

Akala natin e mga professional ‘yang mga kakontrata ng APO, e para palang mga batang mahilig mag-trantrum ang mga ‘yan.

Tsk tsk tsk…

Isang malaking pagkakamali na hindi na dapat ulitin ng DFA.

Dapat na talagang ibalik sa Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang pag-iimprenta ng ating pass­port kaysa ipaubaya sa mga pribadong kompanya na walang ibang iniisip kundi ang kumita na parang tubong-lugaw sa pondo ng gobyerno.

Sonabagan!

Hindi pa ba kayo ‘nabubundat’ sa tagal ninyong pinagkakitaan ang pag-iimprenta ng mga pasaporte?!

Ngayong nalantad ang kawalanghiyaan ng mga pribadong service provider na ‘yan, may plano kayang papanagutin ng Duterte adminis­tration ‘yang APO UGEC na ‘yan?!

Ano sa palagay ninyo, ex-con ‘este ex-Presidential Communications Operations Office (PCOO) Sec. Herminio “Sonny” Coloma, Jr.?!

Kung inyong natatandaan, si Coloma ang naatasan noon ni PNoy para pamahalaan ang operasyon ng pribadong APO UGEC sa P38-bilyong (6-year) contract sa pag-iimprenta ng pasaporte.

Dapat siguro’y magpatawag ng hearing ang Kongreso sa panggugulang ng service provider na ‘yan.

Mantakin ninyong bilyones ang isinuka ng gobyerno na ‘welcome na welcome’ na ibinulsa ng APO UGEC?

Hoy, hindi kayo tatantanan ni Secretary Teddy “Boy” Locsin…

Tugisin!          

LUNETA BAKIT ISINARA NOONG PASKO?

Marami ang  nagreklamo sa inyong lingkod na noong Pasko pala ay isinara ng National Parks and Development Committee (NPDC) ang Luneta Park.

Aba’y bakit?!

Hindi ba’t tradisyonal na nagdaraos ng Pasko riyan ang mga kababayan natin?!

Lalo na ‘yung mga ayaw nang magpunta sa mall at mas gustong mag-picnic sa Luneta at diyan salubungin ang Pasko at Bagong Taon.

Pero desmayado sila kasi nga isinara ang Luneta.

Aba dapat kayong magpaliwanag NPDC!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

QCPD kinilalang No. 1 sa kagalingan vs kriminalidad sa NCR 

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAPAKAGANDA ng pasok ng Abril sa Quezon City Police District (QCPD). …

Dragon Lady Amor Virata

Ang political dynasty, bow
Magpinsan sa Las Piñas, hipag at bayaw sa Parañaque

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAGULO, sabi ng mga Parañaqueños, hindi ang eleksiyon, kundi …

Firing Line Robert Roque

Indecent proposal

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. “…ANG mga solo parent na babae na nireregla pa, …

Sipat Mat Vicencio

DDS magpapauto ba kay Imee?

SIPATni Mat Vicencio DESPERADO na si Senator Imee Marcos kung kaya’t ang lahat ng pambobola …

Dragon Lady Amor Virata

Mga kandidato bawal sa graduation rites

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata NAGING kalakaran na tuwing sasapit ang graduation day ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *