Friday , December 26 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Angel, sobrang kinabahan kay Maricel

USAPING Angel Locsin pa rin, inamin niyang sobrang kabado siya nang makaharap ang nag-iisang Diamond Star na si Maricel Soriano dahil alam nito ang ugali kahit hindi pa sila nagka-trabaho noon.

Kuwento ni ‘Gel, “sobrang kinabahan po ako kasi sa mga unang eksena ko, parating siya ang kaeksena, balita ko kasi take-one actress, bawal ka magkamali.  Siyempre po ‘pag pilot (episode), nangangapa ka palang sa character mo na baka pagalitan ka ng direktor na ‘bakit ganyan ang atake mo, ganyan-ganyan.

Mabuti na lang at very excited siya (Maricel) dahil pagdating niya sa set alam niya ang linya niya at hindi siya madamot. ‘Pag nakita niyang medyo hindi okay ang bato ko (linya), kakausapin niya ako sa gilid at bibigyan niya ako ng pointers na ganyan-ganyan.

Nakatutuwa kasi, isang Diamond Star para i-share niya ‘yung knowledge niya na kung tutuusin ay puwede naman niya akong pabayaan na magmukha akong kawawa sa eksena na hindi ko naibigay ‘yung emotion na needed, nag-effort talaga siya (Maricel).

At ang bilis magbihis, pambihira nagpapantalon pa lang ako, nandoon na sa set. Kinausap ko siya, ika-3rd day namin kinausap ko siya na ‘Ma, ‘wag ka naman masyadong propesyonal, nahihirapan akong humabol. Alas-kuwatro nangangatok ka na sa kuwarto, pambihira naka-body make-up ka na ng alas-singko, eh, alas siyete pa ang call time mo.  Ganoon siya ka-excited magtrabaho, happy kasi siya sa mga kasama niya.”

Isa pang dahilan na sadyang kinaibigan ni Angel si Maricel dahil hindi niya pinangarap na masampal. Ito kasi ang running joke ng mga nakakatrabaho ng Diamond Star na made ka na kapag nasampal ka ni Marya.

Hindi ko po inambisyon kaya friends kami rito, close kami. Kaya nga may eksena na medyo nagkaroon kami ng friction, natatakot po ako kasi ayaw kong maramdaman o maranasan ang legendary sampal po ni Inay Marya. Gusto ko po, kampi lang kaming dalawa. Okay na po ako sa ganoon,” tumawang sagot ng aktres.

Anyway, abangan ang The General’s Daughter na handog ng Dreamscape Entertainment sa Enero 21, Lunes, sa direksiyon nina Manny Palo at MervyBrondial.

Kasama rin sa cast sina Albert Martinez, Eula Valdez, Janice De Belen, Paulo Avelino, JC de Vera, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Ronnie Alonte, Loisa Andalio, at Tirso Cruz III.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Heart Evangelista Batha Thalassemia

Heart nagbahagi ng Christmas cheer sa Thalassemia patient 

ILANG taon nang tradisyon ni Heart Evangelista na kasama ang Batha Thalassemia Family niya. Simpleng dasal at kasiyahan ang …

MTRCB

MTRCB at CEAP naghatid ng maagang Pamasko sa mga batang lumalaban sa kanser

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NAGHATID ng maagang Pamasko ang Movie and Television Review and …

Nestor Cuartero Lala Sotto MTRCB

Beteranong mamamahayag nanumpa bilang bagong Board Member ng MTRCB

PINANGUNAHAN ni Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa sa tungkulin …

DJ Jai Ho Jacqui Cara Michael Tuviera Jojo Oconer

DJ Jhai Ho maayos na nagpaalam sa Star Magic

RATED Rni Rommel Gonzales PUMIRMA na ng kontrata ang comedian/host na si DJ Jhai Ho sa All Access …

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …