Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Maraming ‘happy’ sa latest senatorial aspirants survey

SURVEY says…

Maraming senatorial aspirants ang happy sa latest survey ng Pulse Asia.

Siyempre, hindi natitinag sa no. 1 si Senator Grace Poe, ang pinalanga nina Da King at ni Manang Inday.

Suporatado siya ng 75.6 percent registered voters base sa survey na ginawa noong Dec. 14 to 21.

Hindi bumibitaw sa buntot ni Sen. Poe si Madam senator Cynthia Villar na may overall voter preference na 66.6 percent.

Humahabol din sina Sen. Sonny Angara at Taguig City Rep. Pia Cayetano na magkasalo sa ika-3 at ika-4 na puwesto na may voter preferences na 58.5 at 55.4 percent, respectively.

Nasa ika-5 hanggang ika-7 sina senator Lito Lapid na may 49.8 percent voter preference, Sen. Nancy Binay, 46.7 percent at Sen. Aquilino Pimentel III may 45.5 percent.

Ang galing mo, Leon Guerrero! Mukhang lucky charm mo si Cardo at si General Angel. Apir!  

Pasok na rin si dating senator Serge Osmeña sa voter preference na 38.8 percent sa eighth to 13th places.

Kasunod ang celebrity na si dating senator Ramon Revilla Jr., pasok sa 8th to 14th na may 37.6 percent voters preference. Kaaabsuwelto lang ni Senator Bong sa kasong plunder sa Sandiganbayan bago gawin ang survey.

Kasalo niya sa ika-8 hanggang ika-15 puwesto si Ilocos Norte Gov. Imee Marcos (36.7 percent), dating senador Jinggoy Estrada (36.3 percent), dating Bureau of Corrections chief Ronald dela Rosa (35.7 percent) at dating senador Mar Roxas (35 percent).

Nagha-high-five naman sina Sen. JV Ejercito Estrada sa 33.6 percent voter preference sa ninth to 16th places. Kasunod si Sen. Bam Aquino, na pasok sa 10th to 16th places with 32.6 percent. Habang si dating special assistant to the president (SAP) Bong Go ay patok sa 14th to 16th na may 29.7 voter preference.

‘Uy mukhang lumalaro sa ‘longshot’ sina ex-SAP Bong Go at Sen. Bam?!

Malay natin hindi ba?

Sabi nga ni tatay Digong, hindi totoo ‘yang survey, survey na ‘yan!

Puwede!

Pero ang nakikita natin dito, iba pa rin kung kilalang nagtatrabaho at may achievements ang mga senador.

Kunsabagay, sa susunod na buwan pa ang kampanyahan.

Diyan natin makikita kung paano maglalag­lagan at magsisipaan ang magkakadikit at nagha-high-five sa survey…

Abangan!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *