Sunday , December 22 2024
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Payo ni Sen. Ping sa PNP: Ilegalistang pulis tiktikan at i-profile hindi mga titser

IMBES mga guro, mas dapat na tiktikan ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mga pulis at sundalong sinibak sa serbisyo at paglaon ay naging mga gun-for-hire.

‘Yan ang inihayag ni Senator Panfilo “Ping” Lacson kaugnay nang nabistong paniniktik sa mga miyembro ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa utos ng PNP hierarchy.

Itinanggi na ito kamakailan ni PNP chief, DG Oscar Albayalde pero sabi nga, nag-leak na ang memorandum na hindi pirmado.

Kumbaga, may semblance of truth kaya hindi na puwedeng itanggi.

Agad rin sinibak o pinagbakasyon muna ang mga opisyal ng PNP na pinagmulan ng ‘pamumulaklak’ o leak information ng paniniktik sa mga guro.

Ngayon, gusto natin sundan ang sinasabi ni Senator Ping. Bakit nga naman hindi ang mga pulis na nakapagtataka ang biglaang pagyaman, pagkakaroon ng maraming negosyo at laging ‘overstaying’ sa kanilang designation sa isang yunit o section ng pulisya?!

Mga pulis o sundalo na walang katapusan ang pagpapa-renovate sa kanilang mga haybol.

Tama si Sen. Ping na ang mga nasabing pulis o sundalo ang mas dapat ‘tiktikan’ ng PNP o AFP dahil ang mga katulad nila ang nakasisira sa imahen ng pulisya at militar.

Paging PNP chief, DG Oscar Albayalde, magandang legacy po ‘yan kung maibubuyang­yang ninyo sa publiko ang mga pulis na scalawag bago man lang kayo magretiro.

Corrupt na pulis hindi may integridad na public sector employees ang dapat tiktikan!

Aprub tayo riyan, Senator Ping!

LABOR SECRETARY  SILVESTRE “BEBOT” BELLO UMALMA VS PACC

Heto pa ang isa.

Nagulat si Secretary Silvestre “Bebot” Bello III nang mabuyangyang sa media na isa pala siya sa pinaiimbestigahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) Commissioner Manuelito Luna.

Kaya ngayon rumesbak ang Labor Secretary at hiniling na tanggalin sa puwesto si PACC Commissioner Luna.

Grave abuse of authority ang akusasyon ni Secretary Bello kay Luna at hiniling niya na sibakin siya sa puwesto.

“If you are investigating, one should be discreet in fairness to the respondent. He is preempting the investigation, so I am going to ask the President to dismiss him from the office,” ani Bello sa isang interview.

Ang dapat nga naman ipinaalam sa kanya ng PACC na may reklamo laban sa kanya para nga naman nakasagot siya alinsunod sa proseso.

Isa pa sa ikinagulat ni Bello, bakit na-appoint si Luna sa PACC gayong naghain siya ng disqualification case laban kay Pangulong Rodrigo Duterte?!

Ani Bello, “Out of delicadeza, he (Luna) should have not accepted the position in the government.”

Oo nga naman.

By the way, napaka-small time ng bintang kay Sec. Bello. Siya umano ay tumanggap ng P100,000 cash at cellphone bilang Christmas mula sa isang local recruiter.

Kaya hinamon ni Sec. Bello kung sino ang may ebidensiya ay maghain ng reklamo laban sa kanya sa Ombudsman o kaya sa Department of Justice.

Korek!

Knowing Secretary Bello, hindi siya umuurong sa ganyang klaseng labanan.

Let’s wait and see.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Sipat Mat Vicencio

Pagkikita nina Isko Moreno at Nelson Ty

SIPATni Mat Vicencio NAGKITA na nga sina dating Manila Mayor Isko “Yorme” Moreno at dating …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kita ng TODAs, lumiit sa pagdami ng MC taxi

AKSYON AGADni Almar Danguilan MASYADO na palang bumaba o lumiit ang kita ng mga tricycle …

Firing Line Robert Roque

Gunning for amendments

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. ISINUSULONG ni Senator Ronald “Bato” dela Rosa ang mga …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Seguridad ng QCitizens  sa ‘Misa De Gallo’   tiniyak ni Buslig

AKSYON AGADni Almar Danguilan NAG-UMPISA na ang ‘Misa De Gallo’ na mas kilala na ngayon …

Firing Line Robert Roque

3 araw ng Metro road deaths

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. BINIGLA ang Metro Manila ng serye ng mga pagkamatay …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *