IKINAPAHAMAK ng tatlong sanggano ang pagwawala sa kalsada habang isa ang naaktohang nag-aabutan ng droga sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Caloocan Police Community Precinct (PCP) 2 commander C/Insp. Merben Bryan Lago, dakong 8:45 ng gabi nang respondehan ng kanyang mga tauhan ang tawag hinggil sa isang grupo na nag-aamok at sa L. Lupa St. ,Brgy. 32.
Pagdating ng mga pulis sa naturang lugar, natiyempohan ang tatlong suspek na nag-aaway sa nasabing kalye dahil umano sa pag-aangkinan ng shabu na nauwi sa away.
Agad inaresto ang mga nagwawala na sina Roberto Sapico, 49-anyos, ng Kadiwa St. Brgy. 27 anyos; Rodolfo Oliveria, ng Kabulusan II, Brgy. 22; at Larry Agrisola, 36-anyos ng Agila Alley, Libis Nadurata, Brgy. 18 sa siyudad.
Nang kapkapan ang mga suspek ay nakuha ang tatlong plastic sachet na naglalaman nang hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.
Dinala ang mga suspek sa himpilan ng pulisya at sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 (Dangerous Drug Act of 2002).
Dakong 6:20 ng gabi, nagsasagawa ng detective beat patrol ang mga operatiba ng SSOU sa pangunguna ni S/Insp. Rammel Ebarle sa P. Bonifacio St., Brgy. 77 nang maaktohan ang dalawang lalaki na nag-aabutan ng isang plastic sachet. Nang komprontahin, mabilis nagpulasan ang dalawa sa magkahiwalay na direksiyon pero nagawang maaresto ng mga operatiba si Leonard dela Peña Sr., 43-anyos at nakoumpiska sa kanya ang isang plastic sachet ng hinihinalang shabu.
(rommel sales)
Check Also
Kapapasa lang sa board exam
GURO PATAY SA PAMAMARIL
IMBES pagdiriwang, napalitan ng pagluluksa ang saya ng isang pamilya nang mapaslang ang kanilang kaanak …
Ekspansiyon ng SUCs suportado ng Senado
SUPORTADO ni Senador Alan Peter Cayetano ang mga panukalang batas na magpapalawak sa ilang state …
Shortcut sa SIM card registration imposible — CICC
BINIGYANG-DIIN ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (CICC) na walang paraan para mapabilis ang SIM …
Panawagan kay BBM
Motorcycle taxis ‘wag nang dagdagan — NACTODAP
NANAWAGAN ng suspensiyon ang iba’t ibang grupo ng tricycle operators and drivers associations (TODAs) laban …
Umakyat para magkabit ng ‘jumper’
LALAKI NAHULOG MULA SA POSTE NG KORYENTE, NANGISAY, PATAY
PATAY na bumagsak ang isang lalaking pinaniniwalaang umakyat sa poste ng koryente upang ilegal na …