Dalawa sa pelikulang nakatakdang gawin ng director at film producer ng Ro’s Indie Film Production na si Direk Reyno Oposa ay malapit nang simulan. Ang non-union short film titled Black Autumn, na ang plot ng story ay tungkol sa infidelities, betrayal at rights against women ay may tentative shooting sked sa January 19.
Si Direk Reyno rin ang sumulat ng kuwento na pagbibidahan ng international actress na si
Angeliki Symeonides at Pruthvi Raj Sonoji at ilang supporting actors.
Ngayong Marso ay start na rin ang shooting ni Direk Reyno ng “Selda,” isang comedy-dramatic film na isinulat naman ni Allen Castillo. Waiting din ang mga producer para sa mga pelikula nilang si Oposa ang director.
Intended na rin for showing ang “Agulo: Hinagpis ng Gabi” at “Luib” na produced at idinirek din ni Direk Reyno. Gustong magpasalamat ng kaibigan naming director sa suportang ibinibigay ng show sa internet na “Hellow Pilipinas Echika Mo! Yes Pwede” hosted by Loren Origas para sa suporta ng program sa film niyang Luib.