Saturday , January 24 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Bagong pahirap ng LTO sa motorista

MAY bagong pahirap na naman pala ang Land Transportation Office (LTO) para sa bayang motorista na nagre-renew ng kanilang lisensiya sa pagsisismula ng taon.

Ang bagong patakaran: tanging medical certificates na ipinasa sa online mula sa accredited na klinika at doktor ang kanilang tatanggapin.

Ganoon din daw sa mga driver na nag-a-apply para sa student permit.

Nagsimula raw ang bagong policy nitong Lunes sa

National Capital Region (NCR) at sa Region 11.

Siyempre naglabas ang LTO-NCR ng listahan ng accredited clinics and doctors sa kanilang Facebook page.

Ang bagong patakaran daw ay ipatutupad na rin sa Regions 5, 4A, 4B, 7 simula sa Lunes, 14 Enero 2019. At magkakaroon naman ng bisa sa 21 Enero sa Regions 6 and 9; at sa Regions 1, 2, 3 sa 28 Enero; sa Regions 10, 8, Cordillera Administrative Region at CARAGA sa 4 Pebrero.

Ayon kay LTO Region 1 Director Teofilo Guadiz ginawa nila ito para hindi sila masalisihan ng pekeng medical certificates.

Ang siste, imbes mapabilis, lalong tumagal ang proseso dahil kakaunti lang ang accredited clinics and doctors ng LTO.

Kaya hindi na lang sa LTO mahaba ang pila ngayon, pati sa medical clinic na accredited ng LTO ay grabe na rin ang haba ng pila.

Ay sus!

Hindi pa nga nareresolba ni Pong Pagong ‘este LTO chief, Edgar Galvante ang pag-iisyu ng mga plaka sa mga bagong sasakyan. Halos dalawang taon na ‘yung bagong sasakyan hanggang ngayon wala pa rin plaka, tapos ganyan din ang gagawin sa proseso ng pagre-renew ng lisensiya?!

Wattafak!       

Puwede ba, resolbahin muna ninyo ang backlog ninyo sa mga plaka ng sasakyan bago kayo umisip ng bagong kahangalan!

LTO chief Galvante, talaga hindi kayo makapag-isip ng ‘gimik’ na magpapabilis ng serbisyo ninyo?!

Aba, pinasusuweldo kayo ng gobyerno hindi para pahirapan ang sambayanan!

Mag-isip naman kayo nang tama!

Ay sus!

IRESPETO ANG TRASLACION BASURA AY PULUTIN

Ilang dekada nang praktis ng mga Filipino ang paglahok sa Pahalik at Traslacion ng Itim na Poong Nazareno.

Malaking bilang ng mga deboto ang nanini­wala na ang pagpapakasakit tuwing Kapistahan ng Itim na Nazareno ay nagbibigay ng basbas para gumaang ang buhay ng bawat isa.

Maraming may karamdaman ang nanini­walang pinagaling sila ng Poong Nazareno, kaya walang humpay ang pagdagsa ng mga deboto tuwing 9 Enero mula sa iba’t ibang lugar sa bansa.

Sa ibang lugar naman lalo sa mga lalawigan, gumawa na rin sila ng sariling Traslacion kaysa lumuwas pa sa Maynila.

Nakatutuwa ang ipinakikitang mataimtim na debosyon ng mga Filipino sa Itim na Poong Naza­reno. Maging ang inyong lingkod ay naniniwala sa pagbabasbas na ipinagkakaloob ng Poong Nazareno.

Isa lang sana ang  hiling natin sa mga deboto, maging disiplinado. Masanay sana ang mga debotong Katoliko na magligpit ng sariling kalat nang sa gayon ay hindi sila nag-iiwan nang truck-truck na basura sa painagdarausan ng Pahalik at dinaraanan ng Traslacion.

Kung magagawa ito ngayong 2019, aba mas maraming bibilib na ang mga deboto ng Itim na Poong Nazareno ay mahusay at mga disiplinado.

Sabi nga, ang pagiging Kristiyano ay maki­kita kung paano siya namumuhay at hindi lamang sa salita at pagsunod sa tradisyon.

Isang mataimtim na pagdiriwang ng Kapistahan ng Itim na Poong Nazareno sa inyong lahat!

Nawa’y sabay-sabay tayong pagpalain ng Dakilang Nazareno.  

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

‘Di dapat mag-imbento ng kuwento si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARIING itinanggi ni Cherry Mobile CEO Maynard Ngu ang mga paratang …

Firing Line Robert Roque

State witness daw — e kalokohan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SUSUBUKAN kong kahit sandali lang na isantabi ang pagiging …

Dragon Lady Amor Virata

Pinoy walang disiplina sa pagtatapon ng basura

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata MAHIGPIT na ngayon ang pagpapatupad ng aprobadong ordinansa ng …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Romualdez, may front ba sa pagbili ng ari-arian sa Makati City?

AKSYON AGADni Almar Danguilan SINO ang umano’y nagsilbing dummy ni dating House Speaker Martin Romualdez …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag sumunod ka sa batas, may kaso ka… kapag hindi, kakasuhan ka rin!

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMING beses nang nangyari sa bansa na nakakasuhan ang ilang mga …