Monday , January 12 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

PAGCOR at DILG-BFP walang paki sa Thunderbird resorts & casino sa Binangonan, Rizal?!

MUKHANG walang pakialam ang Philippine Amusement and Gaming Corp., (PAGCOR) at DILG-BFP kahit sandamakmak ang reklamo ng mga ‘clientele’ na nabibiktima ng advertisement sa website ng Thunderbird Resorts & Casino sa Rizal.

Sa kanilang website kasi ay napakaganda ng mga retratong naka-post. At dahil nasa paanan ito ng Sierra Madre, nakapang-eengganyo rin sila na very relaxing sa kanilang resorts and casino.

Siyempre, kung gusto ngang mag-relax ng isang indibidwal kasama ang kanyang pamilya, tiyak na dadayuhin niya ang lugar.

Pero sabi nga ng isang kabulabog na naligaw diyan, grabeng disappointment ang kanilang naranasan.

Ayon sa kanilang website — “To meet your sophisticated business and leisure demands, we offer world-class services and amenities – all set within easy reach from Manila.”

Bukas umano sila 24/7 — for leisure, recreational luxury, and entertainment — dahil sila ay isang international casino.

Pero ayon nga sa kabulabog natin, lahat ‘yan ay sa website lang may katotohanan dahil sa realidad, kahit 3-star ay hindi mapagkakamalan ang Thunderbird Rizal dahil sa kanilang serbisyo, amenities at mismong structure.

Ang sinasabi nilang international casino ay walang elevator kundi escalator lang. Kaya nakita ng kabulabog natin na ‘yung kliyenteng naka-wheel­chair ay binubuhat pa para maka­akyat lang.

E paano pala kung biglang madulas o madapa ‘yung nagbubuhat?

E ‘d indultong katakot-takot ‘yan?!

‘Yung casino gaming area mismo, walang water sprinkler na mahigpit na rekesitos ng Bureau of Fire Protection (BFP) sa mga establisiyementong gaya ng Thunderbird.

Kaya nagtataka tayo kung bakit pumayag ang PAGCOR na magkaroon ng casino riyan sa Thunderbird gayong kulang na kulang ang kani­lang estruktura?!

Ano ba ang basehan at rekesitos para maglagay ng casino sa isang establisiyemento?!

Mukhang nakalusot itong Thunderbird sa matalas ninyong pang-amoy at panunuri Madam Didi Domingo?!

Paano na?!

Bakit ba tahimik na tahimik ang DILG-BFP diyan sa ilang fire hazard violations ng Thunder­bird Rizal?!

Anong ‘something’ mayroon sa Thunderbird Rizal at hindi sila pinakikilalaman ng BFP at PAGCOR?!

Paki-esplika na nga po Madam Didi…

Paging DILG chief, Secretary Eduardo Año!

FRANCIS TOLENTINOHIRAP NA HIRAP MAKAPORMA SA SENATORIAL RACE

Kumbaga sa boksing, hindi pa nag-uum­pisa ang bakbakan, hilahod na ang boxer.

Parang ganito ang nangyayari kay dating Presidential Political Affairs adviser, Francis Tolentino. 

Hindi pa nag-uumpisa ang kampanya para sa senatorial race, e masikip na agad ang espasyo para sa kanya.

Nalulungkot tayo para kay Sir Francis Tolen­tino.

Mismong si Pangulong Duterte na nga ang nag-eendoso at nagtutulak sa kanya pero ayaw pa rin umakyat ang pangalan niya sa senatorial surveys.

Sana naman bago dumating at matapos ang kampanya para sa eleksiyon sa Mayo 2019 ay magbago ang kanyang ratings.

Anyway, malungkot man ang kahihinatnan ng inyong kampanya, makaaasa ka ng isang boto mula sa akin, Sir Francis.

Count me in — Sir Francis, on May 2019.

It’s one vote from me.

Pramis!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Bakit hindi dapat agad paniwalaan si Bernardo

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGONG TAON ng 2026 na pero nananatiling walang napaparusahan na “big …

Firing Line Robert Roque

Prangka kaysa pakitang-tao

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. KUNG napanood mo ang recent episode ng “Storycon” sa …

Sipat Mat Vicencio

Kapag bumaliktad si Martin Romualdez, lagot si Bongbong

SIPATni Mat Vicencio NAGKAKAMALI si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., kung inaakalang ligtas na ang …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Rep. Romualdez, dapat kasuhan sa flood control corruption — DPWH Sec. Dizon

AKSYON AGADni Almar Danguilan NANINDIGAN si  Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Vince …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Opisyal ng BOC at mga tauhan nito pinaiimbestigahan sa isyu ng smuggling

AKSYON AGADni Almar Danguilan PINAIIMBESTIGAHAN sa Malakanyang ang umano’y smuggling activities at korupsiyon sa Bureau …