Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Ken Chan
Ken Chan

Serye ni Ken, malapit nang magbabu

MARAMI ang naka-line-up na TV shows ang Kapuso Network. Tiyak matatapos na rin ang inyong stress kay Ken Chan sa My Special Tatay  dahil sa mga pagago role, mga pakurap-kurap na mata na nakaiirita.

In fairness, magaling siya. Ganoon din si Audrey Pokpok na si Rita Daniela na bata pa ay nakilala ko na sa grupo ng Sugar Pop with Renzo.

Malapit na rin magbabu ang Onanay.

Binabati ko si little Onanay na in real life ay isa palang degree holder. Ganoon din si Superstar Nora Aunor at lahat ng cast ng noontime teleserye.

Ang iba pang cast na magagaling ay sina Cherie Gil, may tatawad ba sa kanyang husay pagdating sa pag-arte? At ang gumaganap na Rosemarie- Natalie, galing niya. Kabilang na rin sina Wendell Ramos, Gardo Versosa at iba.

Type ko rin ang Ika-Limang Utos. Grabeh si Valerie Concepcion sa kamalditahan niya. Sina Tonton Gutierrez, Jake Vargas, Jeric Gonzalez, Rez Cortez at lahat ng cast. Wala kang itulak kabigin sa sobrang gagaling nilang lahat.

Sa rami ng mga bagong ipalalabas ng Kapuso, sana kaunti lang ang magpapa-stress sa atin. Sana menor lang sa mga pinag-aagawang mga lalaki.

Magaling si Kris Bernal sa Karibal Ko Asawa Ko with Thea Tolentino, napakaganda niya at pagdating sa kalandian lalo siyang magaling umarte.

Sa Kapamilya naman, topnotcher sa amin ang Ang Probinsyano ni Coco Martin. Walang kupas ang any movies or shows na tungkol sa yumaong Da King, Fernando Poe Jr. Patay na, pero hinahangaan pa rin. Si Coco, lalong umangat ang pangalan dahil sa Ang Probinsyano.

At kasama pa ang reyna ni Da King, si Miss Susan Roces, with special participation nina Lito Lapid, na magbabalik sa Senado ngayong darating na 2019 elections, Mark Lapid, Vice Governor Daniel Fernando, at iba pa.

Ang daily noontime show ng Kapamilya na It’s Showtime ang kanilang Tawag ng Tanghalan, ang Gandang Gabi Vice, Goin’ Bulilit, ang ilan lamang sa nakaaalis ng stress sa tuwing napapanood natin sa ating mga telebisyon.

So far ang Kapamilya at ang Kapuso pa lang ang nagpapatuloy sa kanilang mga show for 2019. Ang Kapatid Network (TV5) ay posibleng may niluluto pa pero silent muna sila. More on Radio Cinco sila like the radio show of Cristy Fermin, Dr. Edinel Calvario’s Hiling Galing, programa ng Tulfo brothers, at iba pang news program, among others. 

***

Basta prosperous, masagana, maginhawang Manigong Bagong Taon, mga ka-friendship! God bless us all! 

NO PROBLEM DAW
ni Letty G. Celi

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Letty Celi

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …