UNA kahit na mahigpit na ipinagbabawal ng MMFF, na bawal maglabas ng figure ang sinoman sa walong kalahok sa Metro Manila Film Festival 2018 ay sige pa rin sa pabida si Vice Ganda na ipinagmamalaki sa buong mundo na naka P400 million na ang kaniyang Fantastica.
Ang hindi pa maganda ay pinalalabas ng kampo ni Vice na in terms of kita ay milya-milya na ang kita ng Fantastica sa Jack Em Popoy: The Puliscredibles nina Coco Martin, Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza na P200 milyon pa lang daw ang naitatalang kita sa takilya?
Pero ayon sa insider, na aming nakausap lately ay nasa more than P300 million na raw ang kinita ng Jack Em Popoy, at ang advantage pa ng movie ni Coco ay pinupuri sila kahit saan. Saka sa mga probinsiya ay pelikula nila ni Bossing at Maine ang pinipilahan ng ating mga kababayan, so paano nangyari ‘yung kalahati lang daw ng kinita ng Fantastica ang gross ng Jack Em Popoy sa 2 weeks running nito sa mga sinehan.
Palabas pa rin ang pelikula kaya puwede n’yo pa itong panoorin.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma