Malaking pagdiriwang ng tagumpay para kay Sir Antonio Tuviera, presidente at chief executive officer ng Television and Production Exponents (TAPE), Inc ang pagkakaroon ng bago at sariling world-class studio ng Eat Bulaga na matatagpuan sa Marcos Highway, Cainta, Rizal.
Halos apat na dekada silang umuupa lamang ng studio.
“Ang feeling namin is it’s a blessing,” ayon kay Mr. T, na umaming matagal nang pinagplanohan ang pagpapatayo ng sariling studio. Bukod sa pinaganda, una rin sa mga layunin ang comfort ng audience. Alay nila ito sa milyon-milyong tagasubaybay ng show.
“That’s why we would like to give it back to the audience, to everbody, because we owe it to them. Hindi naman maitatayo itong mga ganito without them,” kuwento ng mabait na TV producer.
Nagpalipat-lipat ng tahanan ang longest running noontime variety show sa Filipinas sa loob nang halos 40 taon pero nananatiling tapat ang kanilang millions of viewers.
Hanggang ngayon ay nanatiling number one sa ratings game sa NUTAM ang Eat Bulaga.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma