Tuesday , December 24 2024

Laborer kulong sa shabu

BAGSAK sa kulungan ang isang construction worker na nasa drug watchlist ng pulisya matapos makuhaan ng 13 plastic sachet ng shabu sa Navotas City, kamakalawa ng gabi.

Kinilala ni Station Drug Enforcement Unit (SDEU) head C/Insp. Ilustre Mendoza ang naarestong suspek na si Donnie Mendoza, 39 anyos residente sa Brgy. Tangos.

Sa imbestigasyon ni PO2 Jaypee Mañalac,  dakong 7:00 ng gabi, nagsasagawa ng regular patrol and monitoring sina PO1 Raymund Nagal at PO1 Laurence Candidato sa kahabaan ng A. Cruz St., nang mapansin ang suspek na abala sa pagbusisi sa isang leather coin purse na naglalaman ng mga transparent plastic sachet.

Nilapitan ng mga pulis ang suspek at sinita kung kaya’t nakita sa kanya 13 transparent plastic sachet na naglalaman ng hindi pa matukoy na halaga ng hinihinalang shabu.

Kasong paglabag sa RA 9165 (illegal possession of dangerous drugs) ang isinampang kaso ng pulisya kontra sa suspek sa Navotas City Prosecutors Office.

About Rommel Sales

Check Also

Zamboanga del Norte

Supplemental budget nakabinbin
OPS NG PROV’L AT DISTRICT HOSPITALS, IBANG PAGAWAING BAYAN SA ZAMBO DEL NORTE POSIBLENG MATIGIL — GOV. NENE

ITO ang malalim na laman ng pahayag ni Governor Jalosjos sa media makaraang sumulat sa …

SMC Toll Fee

Bilang pasasalamat sa mga motorista
BAYARIN SA EXPRESSWAY KAKANSELAHIN NG SMC SA BISPERAS NG PASKO AT BAGONG TAON

NAKATAKDANG kanselahin ng Conglomerate San Miguel Corporation (SMC) ang mga bayarin para sa expressway network …

SM Krus na Ligas 1

Promoting wellness and enhancing healthcare delivery
SM Foundation upgrades vital Quezon City community health center

Refurbished by SM Foundation, Krus Na Ligas Health Center caters to over 73,000 residents of …

Manila Honey Lacuna Yul Servo Nieto

Mayor Honey, VM Yul, Asenso Manileño Team namahagi ng Christmas gift boxes para sa Senior Citizens ng Maynila

NAMAHAGI ng Christmas gift boxes sina Mayor Honey Lacuna – Pangan, Vice Mayor Yul Servo …

Muntinlupa

Sa ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag
MUNTINLUPA NAGDIWANG SA DIWA NG TUNAY NA PUSO NG MAMAMAYAN

IPINAGDIWANG ng Lungsod ng Muntinlupa ang ika-107 Anibersaryo ng Pagkakatatag na isa sa mahalagang okasyon …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *