Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
lotlot de leon

Lotlot, tunay na mabait na anak

 

HIGIT naming napagtanto ang likas na kabaitan ni Lotlot de Leon.

Mas na-reinforce pa kasi ang aming impression na ito of her pagkatapos ng kanyang kasal (last December 17 sa isang resort sa Batangas) sa kanyang Lebanese fiancé na si Fadi El Soury.

Tulad ng alam ng lahat, no-show doon ang kanyang inang si Nora Aunor. Ang naghatid kay Lotlot sa altar ay ang (adoptive) ama nitong si Christopher de Leon at anak na si Diego (by former husband Ramon Christopher).

Sa kabila ng ‘di pa malamang dahilan ng absence ng Superstar ay puro magagandang salita pa rin ang namutawi sa bibig ng aktres.

Hindi kaila sa publiko na may family issues na kinakaharap ang mga anak ni Nora sa kanilang ina. Pero dahil noon pa nama’y isa nang good soul si Lotlot ay hindi niya ginamit ang masayang okasyon tulad ng kanyang kasal para ihayag ang kanyang sama ng loob kay Nora.

Bagkus ay ipinahayag pa niyang naniniwala siyang mahal na mahal siya nito.

Kung kami naman kay Nora, kung anuman ang isyu sa kanila ng kanyang mga anak ay maanong isinantabi muna niya ito? For sure, eager ang mister ni Lotlot na si Fadi na makilala ang kanyang biyenan, na isa sa mga sikat na bituin sa bansa.

Karangalan siyempre ni Fadi na mapabilang sa angkan ng mga pinagpipitagang showbiz celebrity.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Pokwang

Pokwang iniwan morning variety show, magpo-focus sa negosyo 

I-FLEXni Jun Nardo NAGPAALAM ng maayos si Pokwang sa pagiging host ng morning variety show ng GMA, ang Tiktoclock na …

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …