Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lance Raymundo
Lance Raymundo

Lance Raymundo, masaya sa takbo ng career

MARAMING dapat ipagpasalamat si Lance Raymundo sa magtatapos na taong 2018. Maganda kasi ang takbo ng kan­yang showbiz career this year.

Although sa year na ito rin pumanaw ang mahal ni­yang ama dahil sa matagal nang karam­daman, thankful pa rin ang singer/actor/composer dahil nakasama pa rin nila nang ilang taon ang ama kahit maysakit ito.

Kabilang sa blessings na dumating kay Lance this year ay nang makapag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsyano na pinagbibidahan ni Coco Martin. Nagkaroon din siya ng kaliwa’t kanang shows, endorsements, at nakapaglabas din ng singles, ang Yato at Silent Night na siya mismo ang gumawa ng arrangement in collaboration with Ramiru Mataro.

Dahil natuwa ang Viva rito, next-next month ay magkakaroon si Lance ng bagong single na pinamagatang Sana, na original niyang komposisyon din. Plano rin ng kanyang home studio na mas mag-focus si Lance sa kanyang singing career ngayong 2019.

Pagsasabayin ba niya ang singing at acting?

Sagot ni Lance, “I think I could say it. May mga small na dumarating like I have a supporting role in the movie of Nadine (Lustre), iyong Indak with Sam Concepcion. I was informed by the bosses that they’re giving me a role. Also, I’m shortlisted for an American series. Sana makapasok pero I’m shortlisted. Although mawawala ako rito for a couple of weeks if I get the role. I’ll be shooting abroad.

“Pero ‘yung mas talagang ipinu-push even for me is music, because I wanna also up ‘yung career ko as an actor using my own merits. So para sa akin kung magiging hitmaker ako, wonderful. Para when I get casted for the next role, siyem­pre they’ll get me a better role, ‘di ba? Because I have a hit, so feeling ko I earned my spot and I’m patient naman.”

Sa ngayon, may tinatapos na pelikula si Lance na siya ang bida under Direk Elwood Perez.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …