OVER the holidays ay samo’tsari ang mga tsismis sa showbiz na nakalap namin.
Isa na rito ang umano’y suwerte na namang lumanding sa palad ni Phillip Salvador nang makipagsapalaran sa isang sikat na casino sa Pasay City na paborito niyang puntahan.
Gaano katotoo na less than a month ago ay nasungkit daw ni Kuya Ipe (for sure, sa slot machine) ang tumataginting na jackpot prize na aabot sa P1-M?
Around this time last year ay pumutok ang balitang naiuwi ni Kuya Ipe ang ilang milyong pisong jackpot na papremyo sa pinipindot na makina, only to know na ang kanyang partner na si Tita Emma Ledesma pala ang siyang nagwagi.
In fairness, kahit hindi namin personal pang nakakadaupang-palad si Tita Emma’y nagpahatid siya sa amin ng kaunting biyaya sa pamamagitan ng noo’y radio partner naming si Wendell Alvarez.
Bagama’t tsismis lang naman ang nakarating sa amin tungkol sa pagiging instant multi-millionaire ni Kuya Ipe, bakit hindi namin natisod ang kuwento ng kanyang pagkapanalo sa mga tabloid o kung anupamang babasahin?
Whatever, mabuti na lang at hindi isang government official si Kuya Ipe. Alam naman kasi nating mahigpit na ipinagbabawal sa mga kawani ng gobyerno na makita—much less makunan ng litrato—sa mga casino.
Public perception has it na ang pera kasing isinusugal nila nang walang patumangga ay mula sa taxpayers’ money.
Naku, si Kuya Ipe pa ba ang pagdududahan ng ganoon just because identified siya kay Pangulong Digong Duterte?
Mayroon siyang sariling datung para tustusan ang pagsusugal niya, ‘no!
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III