Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Janah Zaplan, thankful sa Aliw Awards sa napanalunang tropeo

SOBRANG kagalakan ang hatid sa newbie recording artist na si Janah Zaplan sa nakamit na tagumpay nang makopo niya ang Best New Female Artist sa nagdaang Aliw Awards 2018. Ang naturang event ay ginanap sa Manila Hotel last December 13.

Kaya naman nang naka-chat namin ang tinaguriang Millenial Pop Princess ay nagpahayag siya nang labis na kasiyahan sa kanyang pagkapanalo.

Saad ni Janah, “Siyempre po gulat na gulat ako na akala ko joke lang lahat… pero iyon po pala ay totoo talaga ang lahat nang nangyayari.

“Katulad nga po ng sinabi ko sa stage, akala ko na-Colombia ako hahaha! Pero hindi, ‘yun na po pala talaga ‘yun,” aniya pa patungkol sa nangyari sa Miss Universe 2015 nang nagkamali si Steve Harvey sa pag-announce ng winner na imbes Miss Philippines na si Pia Wurtzbach ay si Miss Colombia ang nasabi niya.

Nag-expect ba siyang manalo? “Hindi po, dahil grabe po ‘yung mga nominees,” pakli niya.

Sa kanyang acceptance speech ay nagpasalamat si Janah sa Ivory Music, producer ng dalawa niyang single na Di Ko Na Kaya at Mahal Na Kita.

Bukod sa parents na sina Boyet at Dencie Zaplan, pinasalamatan din ni Janah sa kanyang Facebook account ang kanyang fans at si God.

“Thank you Janah Charmers, Janah Lovers and Janahtics for the love and support. To our Almighty Father, I’m nothing without you, thank you for loving me endlessly and for being at my side.

“This is definitely a night that I will remember for the rest of my life.”

Ano ang wish niyang mangyari for 2019? Gusto rin ba niyang magka-TV show?

“Well po for 2019, ang gusto ko lang po muna mangyari is maayos ko po ‘yung sarili ko in terms of my talents and itsura, then I would wish to be part of the showbiz industry na po at makapag-perform kasama ang mga artists and actors,” wika ni Janah.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

John Lloyd Cruz Ellen Adarna Elias Modesto

John Lloyd tinuligsa pagsusuot ng short sa recital ng anak

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KAHIT marami ang natuwa sa magandang set-up ng co-parenting nina John Lloyd …

Pokwang Apology brother

Pokwang na-nega sa paghingi ng ‘sorry’ para sa kapatid, mambabatas binara

PUSH NA’YANni Ambet Nabus HINDI maganda ang naging reception ng netizen sa apology ni Pokwang on behalf …

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …