KASIMPLE-SIMPLE lang ng ibinato kay Imee Marcos ng anchor ng DZMM patungkol sa pagiging alumna niya ng Princeton, pero idinaan ng gobernadora ng Ilocos Norte ang sagot sa paligoy-ligoy na paraan.
Hindi kaya hindi lang naintindihan ni Imee ang tanong, o sinadya niyang ilihis ang kanyang sagot?
Kontrobersiyal kasi sa social media ang pagmamalaki ni Imee na nagtapos siya sa nasabing pamantasan, gayong witiwit naman pala.
Ito ba ang nangangarap maging Senadora sa susunod na eleksiyon? Kung simpleng tanong, sumablay siya sa sagot, how much more ‘yung mga pag-usisa tungkol sa kalagayan ng lipunan sa ngayon?
O, ‘di kaya’y kung ano-anong batas ang isusulong niya sa Senado kung sakaling palarin siyang manalo?
Huwag sanang menosin ni Imee ang ganitong kahihiyan na isinahimpapawid pa sa isa sa pinakamalalaking himpilan ng radyo sa bansa.
At kung ang sagot niya ang pagbabatayan ng tsansa niyang mapabilang sa Top 12, #alam na!
Alam na kung pang-ilan siya. Pero in fairness, hindi naman kulelat sa lahat ng mga senatorial aspirants, ha?
Laglag lang.
HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III