Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Catriona, in sa mga buntis

HINDI man kami maituturing na panatiko (read: adik) sa mga beauty pageant, napansin namin ang “numerical pattern” ng mga taon kung kailan naiuwi ng ating mga kinatawan ang korona sa Miss Universe.

Taong 1969 nang iputong ang crown kay Gloria Diaz sa MU na ginanap sa Amerika. Four years later, 1973, nang manalo si Margie Moran sa Athens, Greece.

Sa USA rin nagwagi ang ikatlo nating MU winner, si Pia Wurtzbach, noong 2015. Tatlong taon ang lumipas nang masundan ito ng pagkakapanalo pa lang ni Catriona Gray sa Bangkok, Thailand.

Malinaw ang pattern as to the number of intervening years: 4 and 3.

Kung susundan ang pattern na ito (huwag na ‘yung napakatagal na “dry spell” after Margie’s victory na 42 years), posibleng after two years (2020) ay masundan ang winning streak ng Pilipinas.

Although matagal pang panahon ‘yon, hindi masamang mangarap.

‘Yun din naman ang pinanghawakang katuparan ng panaginip ng mismong ina ni Catriona. Ayon mismo kay Cat, her mom dreamt about her dressed in red gown at itinanghal na Miss Universe.

True enough.

Samantala, baka sa paglabas ng kolum na ito’y nakauwi na si Cat sa bansa, nakapag-courtesy call sa Malacañang, nakauwi sa kanyang bayan sa Bicol at kung ano-anong magarbong pagsalubong sa kanya.

‘Yun nga lang, our kababayan won’t seem to have enough of her.

Bahagi kasi ng pagiging MU winner ay mamalagi sa New York upang gampanan ang mga opisyal niyang tungkulin.

At pahabol: for sure, sa mga nanay na kabuwanan na ngayon, if ever na babae ang isisilang nila’y tiyak na Catriona ang ipapangalan nila.

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …

Cedrick Juan Kate Alejandrino baby

Cedric sa trait ni Kate: kailangan ng brainwaves ‘di emotions

RATED Rni Rommel Gonzales IKINASAL nitong Pebrero 25, 2025 at ngayon ay may five-month old …

Chef JR Royol Cristina Roque

Chef JR Royol may paliwanag sa P500 Noche Buena

I-FLEXni Jun Nardo SUMAKAY ang halos lahat sa P500 halaga ng Noche Buena payanig ni …