Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Cardo gagawing no.1 top grosser sa MMFF 2018 ng taong bayan (Coco at Vice pukpukan ang laban sa MMFF 2018)

As of presstime ay pukpukan ang banggaan sa takilya ng pelikulang “Jack Em Popoy: The Puliscredibles” ni Coco Martin kasama sina Bossing Vic Sotto at Maine Mendoza at ng “Fantastica” ni Vice Ganda with Dingdong Dantes and Richard Gutierrez.

Pero kung pagbabasehan ang reaction ng mga nakapanood ng Jack Em Popoy na pinupuri ang mga performance nina Coco, Maine, at Bossing Vic na swabe daw ang pagpapatawa, drama, action scenes, at may moral values ang film ay mukhang sa taong ito ay hindi imposibleng manguna sa festival si Coco, at gagawin talaga siyang number one bilang top grosser ng taong bayan na kinabibilangan ng kanyang mga supporter sa numero unong show sa bansa na “FPJ’s Ang Probinsyano.”

Palaban talaga ngayon si Coco at pantay na sila ng rami ng sinehan ni Vice at parehas din na sold-out ang kanilang mga screening. Well sana lang ay tanggapin ni Vice, sakaling malamangan siya ni Coco.

Samantala sa partial result ay kabilang sa 5 top grossing films ang Aurora ni Anne Curtis at Mary Marry Me na pinagbibidahan ng sisters in life na sina Alex at Toni Gonzaga.

Malakas din ang One Great Love ni Kim Chiu.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Peter Ledesma

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …