Saturday , December 6 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
blind item woman man

Aktor at beauty queen, sa ibang bansa nagkikita

PARA-PARAAN lang ang anumang bagay na gusto mong gawing disimulado, pero bigo ang isang aktor na hindi ipahalata sa mga reporter ang kanyang itinatagong lihim sa kanyang pribadong buhay.

Sariwa pa sa alaala ng mga reporter na ikinagulat ang presensiya ng actor sa departure area ng NAIA. Patungong Bangkok, Thailand ang grupo ng press samantalang sa Hongkong naman ang destinasyon ng ating bida.

Galante ang actor, impernes. Kaya naman nang maglambing ang mga reporter ay bumunot siya agad ng ilang piraso ng US dollars at ipinamudmod sa mga ito.

Ilang minuto na lang ay boarding time na. Nag-excuse na ang actor, pero lingid sa kanyang kaalaman ay sinundan siya ng tingin ng mga reporter.

‘Yun pala, lumapit ang actor sa natsitsismis na jowa niyang beauty queen. Yes, outside his marriage.

Para disimulado nga naman, naunang sumakay ng eroplano ang girlalu. One hour ang pagitan ng kanilang flight bound for the same destination.

Da who ang actor na kontrobersiyal ngayon? Itago na lang natin siya sa alyas na Bingbong Llamanzares.

(Ronnie Carrasco III)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …