DAPAT sana ay nakalaya nitong nakaraang Pasko ang 860 preso alinsunod sa Republic Act 10951.
Pero mukhang hindi nagtrabaho nang tama ang Public Attorneys’ Office (PAO), ayon kay Senator Franklin Drilon
Aniya, “There are 860 inmates who could have been released but are still languishing in jail because of the bureaucracy that is responding slowly. Ano ba naman ‘yan?”
Sinabi ‘yan ni Senator Drilon sa interpellation para sa budget ng Department of Justice at iba pang attached agencies na kinabibilangan nga ng PAO.
Emosyonal na sinabi ng Senador na wala silang konsiyensiya dahil hanggang ngayon ay hinayaan nilang manatili sa kulungan ang 860 preso.
Binalaan ng Senador ang PAO na rerepasohin ang kanilang performance lalo na sa impkementasyon ng RA 10951.
Mayroong 39 petitions ang inihain ng PAO sa Supreme Court, habang 12 ang inihain sa regional trial courts.
Mismong si Senator Drilon ang umakda ng RA 10951, na may layuning matulungan ang mahihirap na inmates na walang kakayahan ang mga kaanak na marepaso ang kanilang mga kaso para mabilis na makalaya.
Mukhang naging abala ng PAO sa iba nilang concern, sana lang ay hindi ito dahil sa pagpasok nila sa ‘mapolitikang’ dengvaxia.
Hindi ba, Senator Drilon?
Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com
BULABUGIN
ni Jerry Yap