Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Pepe, nagpahinga lang, ‘di iniwan ang showbiz 

 

NILINAW ng stage/movie actor na si Pepe Herrera ang napabalitang nag-quit na siya sa showbiz, isang taon siyang nawala sa sirkulasyon.

Bakit niya naisipang bumalik?

“Para kumita uli ng pera,” at tumawa si Pepe, “Well, at saka I guess I was able to rest well for a year.”

Nagpahinga lang siya, hindi totoong tinalikuran na niya ang showbiz.

“Mga ano lang po ‘yun, mga balitang nag-evolve dahil lumipat sa kung saan-saang tenga.”

Nangibang-bansa si Pepe.

“I went to New Zealand, sa relatives ko po roon, kasama ng mother ko, and then sa Switzerland din, kasi roon semi-based ‘yung mother ko eh, she plans to retire there actually.”

Isang taon siya sa abroad?

“One year na pabalik-balik. Hindi naman talaga a year, more or less mga ten months.”

Habang nasa abroad ba siya ay na-realize niyang hindi niya kayang iwan ang showbiz?

“Well, first and foremost hindi ko naman siya balak iwanan, kailangan ko lang talagang magpahinga.

“April last year ako umalis, tinapos ko po muna ‘yung ‘Sa Wakas,’ ‘yung musical, which I also did again when I came back, ‘yung rerun, tapos ‘yun, bumalik po ako (sa Pilipinas) mga October-November.”

Hindi na siya magpapahinga uli?

“Magpapahinga po ako ngayon actually, December, pero isang buwan lang, hang­gang January lang.

“Sa Eu­rope po uli, kasi nan­doon mo­ther ko eh.”

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …