Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Maricris, suportado pa rin ni Regine (kahit nasa Dos na)

BAGO lumipat si Regine Velasquez sa ABS-CBN ay nag-guest ito sa concert ng Kapuso singer na si Maricris Garcia noong September 28 sa Teatrino sa Greenhills.

Noon pa man ay alam na ni Maricris na lilipat ang Asia’s Songbird.

“Opo, noong nagkita kami noon, sabi ko nga, ‘Ate, totoo ba?’

“Oo nga raw, ganyan-ganyan, tapos ‘yun, nagbigay pa rin siya ng advice, ganyan, tapos sabi niya sa akin, ‘Basta kahit nasa kabila na ako kung magko-concert ka sabihan mo lang ako, mag-ge-guest ako sa ‘yo’.”

Ikinalungkot ni Maricris ang paglipat ni Regine.

“Opo, siyempre nalungkot, kasi parang noong habang… kasi ako personally, habang noong nandito si Ate Reg, parang umaasa… nandoon pa ‘yung hope mo na, ‘Hindi magkakaroon pa tayo ng musical and ‘pag nagkaroon ng musical kasama tayo riyan.’

“’Yung ganyan, eh tapos nawala siya, sabi namin, ‘Ate paano na kami?’, ‘yung ganyan, pero…ayun.”

Touched si Maricris sa gesture at suporta ni Regine sa kapwa nito singers.

Tumatawang kuwento pa ni Maricris. ”sabi nga niya, ‘Ang dami ko ngang shows puro walang bayad!’

“Kasi siyempre ‘pag kami hindi naman talaga siya… bilang hindi naman namin kaya ‘yung TF niya, ‘di ba?”

Banggit namin kay Maricris, wala na ang “reyna” nilang mga singer sa GMA sa paglipat ni Regine sa Dos.

“Wala lang siya rito sa network na ‘to, pero still siya pa rin ‘yung… sa akin personally, wala namang nagbago at walang magbabago sa respeto ko sa kanya, sa tingin ko sa kanya, ganoon pa rin.”

Matagal na panahon silang nagkasama sa trabaho ni Regine.

“Opo. ‘SOP,’ ‘Party Pilipinas,’ simula pa po noong contest na sinalihan ko, as in talagang simulang-simula.”

Si Regine ang host ng Pinoy Pop Superstar na si Maricirs ang winner sa third season; si Jonalyn Viray sa unang season at si Gerald Santos naman sa pangalawa.

Cast member si Maricris ng Asawa Ko, Karibal Ko ng GMA.

RATED R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …