SPEAKING of Rainbow’s Sunset, ang naturang pelikula together with Vic Sotto, Maine Medoza, at Coco Martin starrer na Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay nakakuha ng Grade-A sa Cinema Evaluation Board (CEB).
Balita namin ang movie nina Coco, Maine, at Bossing Vic na isa rin sa entry sa 44th Metro Manila Film Festival ay pinuri ng isa sa members ng CEB na si Bum Tenorio, lalo na ang pagiging natural sa comedy ng Dubsmash Queen na si Meng (tawag kay Maine).
After ma-review ng members, binigyan ng CEB ang filmfest entry nina Maine, Vic Sotto, at Coco Martin ng Grade A.
Ang Jack Em Popoy: The Puliscredibles ay mula sa CCM Film Productions, APT Production at ng MZet Productions na mag-uumpisang mapanood ngayong Pasko, sa buong bansa.
Ang pelikula ay punong-puno ng mga eksenang comedy, action, at drama na lalo pang pinaganda ng pinaghalong mga artista ng magkaibang networks na pinangunahan nina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, Pj Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at marami pang iba!
ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio