Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Gray, tiyak na dadagsain ng TV at film offers

DAHIL sa pagkapanalo ni Catriona Gray sa Miss Universe, tiyak na lalo pang tataas ang expectations ng sambayanang Filipino sa Binibining Pilipinas Charities, Inc. sa pagpi-field nito ng kakatawan sa bansa sa susunod na taon.

For sure, mas mabusisi pa ang screening process sa mga aplikante.

Bale pang-apat nang Miss Universe si Catriona mula sa ating bansa. Nauna sina Gloria Diaz, Margarita Moran, at Pia Alonzo Wurtzbach.

Even the international community will be all-eyes kung kanino isasalin o ire-relinquish ni Catriona ang kanyang korona.

Time was when na sa buong Asya ay umaalagwa ang pambato ng India. Sa mga Latina naman ay kinakabog ng Miss Venezuela ang kanyang mga kalaban.

Because of Catriona’s victory, mukhang dapat kabahan ang ibang Asyana’t Latina, isama na ang mga taga-Europa!

Nakikinita na namin ang matinding paghahanda ng BPCI led by Mrs. Stella Marquez-Araneta. Baka ngayon pa nga lang ay naghahanap na sila ng ilalaban sa MU to think the Catriona’s reign has just begun.

And what’s next nga ba for the newly crowned MU?

Tulad ng inaasahan, in no time ay papasukin na rin ni Cat ang showbiz. Dadagsain siya ng mga TV at film offer. At ang mas makikinabang siyempre rito’y ang ABS-CBN.

Sa apat na kinoronohang MU, tanging si Margie (now Mrs. Florendo) lang ang hindi nasilaw sa kaway ng showbiz. Nakagawa siya noon ng pelikulang Oh, Margie, Oh pero hindi na ‘yon nasundan.

Sa halip ay ibang career path ang kanyang tinahak. Kabaligtaran ito sa naging career pursuit ni Gloria na ipinakilala noon sa Ang Pinakamagang Hayop sa Balat ng Lupa.

Since then, nagtuloy-tuloy na ang showbiz career ni Gloria na aktibo pa rin ngayon via Pamilya Roces ng GMA.

Congratulations are in order para kay Catriona.

Sa panahong “sikat na sikat” ang Pilipinas sa mata ng ibang lahi in terms of the way government affairs are inefficiently run, ang tagumpay ni Cat ang nagsilbing pambawi.

Kabog!

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …