Thursday , December 18 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun
Aiko Melendez Marthena Jickain Andrei Yllana Jay Khonghun

Aiko Melendez, proud sa pelikulang Rainbow’s Sunset

ISANG town mayor ang papel na ginagampanan ng award-winning actress na si Aiko Melendez sa pelikulang Rainbow’s Sunset. Ito ay isa sa entry sa darating na Metro Manila Film Festival 2018, directed by Joel Lamangan.

After ng celebrity premiere night nito kamakailan na isa si Ms. Aiko sa present together with her boyfriend na si Subic Mayor Jay Khonghun, inusisa namin ang Kapamilya aktres kung ano ang masasabi niya sa kanilang pelikula?

Tugon ni Aiko, “Ang ganda po ng movie, nakaiiyak po… happy kaming lahat sa outcome and masasabi ko na ang husay-husay nina Tito Eddie and Tito Tony, lahat po mahusay.”

Tinanong din namin siya kung ano at kailan ang last time na may entry siya sa MMFF?

“With direk Joel Lamangan din iyong last film ko sa MMFF, iyong Fili­pinas (2003) po. Ang dami kong natutuhan kay direk Joel, kaya gustong-gusto ko po siyang maka-work po uli,” sambit ni Aiko.

Ano ang reaction niya na marami ang nagsasabi na hahakot ng awards ang movie nila sa MMFF? Nag-e-expect ba siya ng award sa pelikul­ang ito?

“Ang awards for the movie is a bonus para sa aming lahat po. Sana, kasi magandang Pamasko ang award po sa kahit sino po sa amin ang manalo,” masayang saad niya.

Ano naman ang reaction niya dahil full-support lagi si Mayor Jay sa kanyang showbiz career?

“Happy ako na nandoon si mayor lagi, sa tuwing may movie po ako. Lalo na at ipinag­ma­malaki ko po iyong movie namin… and gandang-ganda po siya sa movie naming ito.”

Matutunghayan sa pelikula ang mahuhusay na pagganap ng bigating cast sa pangunguna nina Eddie Garcia, Gloria Romero, at Tony Mabesa. Tampok din sa pelikula sina Tirso Cruz III, at Sunshine Dizon. Kasama rin sina Jim Pebanco, Tanya Gomez, Sue Prado, Marcus Madrigal, Noel Comia, Ross Pesigan, Ali Forbes, Adrian Cabido, Nelia Marie Dizon, Hero Bautista, Vince Rillon, Zeke Sarmenta, Tabs Sumulong, Benz Sa­nga­lang, Ace Cafe at Celine Juan.

May special participation dito si Albie Casiño at introducing naman si Shido Roxas.

Ang Rainbow’s Sunset na mula Heaven’s Best Entertainment Productions ay isang family movie na tamang-tama para sa buong pamilya ngayong Pasko. Pati ang LGBT community ay tiyak na maaantig sa pelikulang ito.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Nonie Nicasio

Check Also

Coco Martin Nicole

Coco ‘kinuha’ anak ni Katherine Luna

MA at PAni Rommel Placente KINUHA ni Coco Martin ang anak ng dating aktres na si Katherine Luna na …

Will Ashley Dustin Yu Bianca De Vera

Will deadma sa pagsasabong sa kanila ni Dustin

RATED Rni Rommel Gonzales MALAYO na talaga ang narating ni Will Ashley! Ngayon kasi ay bida …

Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel, Kaila hulicam pagka-sweet sa concert

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez HINDI nakaligtas sa mapanuring netizens ang pagpapakita ng ka-sweet-an nina Daniel Padilla at Kaila …

James Reid kathryn Bernardo Daniel Padilla Kaila Estrada

Daniel-Kaila ‘di nagpatalbog kina James-Kathryn

PUSH NA’YANni Ambet Nabus NAGING usap-usapan ang performance nina James Reid at Kathryn Bernardo sa katatapos na Christmas Special …

Angelica Panganiban Ellen Adarna

Angelica, Ellen nag-follow sa kani-kanilang IG, isasama pa sa GC

PUSH NA’YANni Ambet Nabus AYAN na, nag follow na sa isa’t isa sina Angelica Panganiban at Ellen Adarna sa …