Saturday , November 23 2024

Jack Em Popoy, Grade A ng CEB; pangarap ni Coco, natupad

MALAKING bentahe para sa Jack Em Popoy The Puliscredibles ang pagkakaroon ng Grade A mula sa Cinema Evaluation Board. Ang ibig  sabihin nito’y, 100% no tax.

Ang Jack Em Popoy The Puliscredibles ang official entry ng CCM Film Productions, APT Productions, at MZet Productions sa 44th Metro Manila Film Festival na mag-uumpisang mapanood sa Disyembre 25.

Bida naman dito sina Vic Sotto, Maine Mendoza, at Coco Martin. Kaya tiyak na ito ang pinakamasayang Pasko sa buong pamilya dahil sa pagsasama-sama ng tatlo.

Sa trailer, damang-dama ang chemistry ng tatlo na ang pelikula’y punompuno ng comedy, action, at drama.

Ayon nga kay Coco, matagal na niyang ini-request na makasama si Vic sa isang pelikula, ito ‘yung Si Enteng at Si Juan. Pero hindi iyon natuloy dahil magkaiba sila ng management. Kaya nahiya na siyang lumapit sa magaling na komedyante.

Pero muling nakaisip ng idea si Coco at muli niyang inilapit. Kinausap niya si Mr. Antonio Tuviera at inirekomendang isama si Maine. Nahihiya nga si Coco na mag-approach considering na naglalakihang artista ng GMA ang nais niyang makasama.

Aminado si Coco na nataranta siya sa idea na magsasama-sama silang tatlo. Kaya naman agad niyang kinausap ang kanyang creative team para bumuo ng istoryang aakma sa kanilang tatlo.

“Itong proyektong ito napaka-espesyal dahil ang hinihiling ko lang ay makatrabaho si Bossing (Vic). Pero ngayon ibinibigay pa sa atin si Maine. Kailangan pagbutihin natin itong pelikulang ito dahil baka hindi na maulit pa,” kuwento ni Coco.

“Kaya noong binuo na naming ito, sabi naming, dapat sa pelikulang ito, narito na ang lahat. Siguraduhing ang pelikulang ito ay pam-Pasko at para sa pamilya. Kaya naman tiniyak naming kompleto ito sa action, drama, comedy, romance, at sa lahat ng elements.

“Sabi ko pa, bakit hindi natin pagsamahin ang pamilya ng ‘Probinsyano’ at ang pamilya ng ‘Eat Bulaga.’ Pero pag-ibahin natin ang kombinasyon. Sabi ko, lahat ng makakasama ko sa side ko puro mga taga-‘Eat Bulaga,’ si Bossing naman, puro taga-‘Probinsyano.’ Para ibang kombinasyon at panlasa naman ang makikita nila.”

Kaya naman isang pangarap ang natupad sa pelikulang ito at masaya ang bumubuo ng Jack Em Popoy na ihandog ang pelikulang ito sa publiko. Kasama rin nina Coco, Maine, at Vic sa pagbibigay-saya sina Tirso Cruz III, Lito Lapid, Ronaldo Valdez, Cherry Pie Picache, Arjo Atayde, Ryza Cenon, Jose Manalo, Wally Bayola, Paolo Ballesgteros, Ryza Mae Dizon, Baeby Baste, PJ Endrinal, Ronwaldo Martin, Mark Lapid, Chai Fonacier, Bassilyo, Smuglaz, at marami pang iba.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Lala Sotto

Negros Occidental katuwang na ng MTRCB tungo sa Responsableng Panonood

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio MATAGUMPAY na idinaos ng Movie and Television Review and Classification …

Arjo Atayde Maine Mendoza Topakk

Arjo itotodo ang lakas sa Topakk

RATED Rni Rommel Gonzales KUNG abalang-abala si Arjo Atayde bilang isang mahusay na aktor at masipag na …

Vilma Santos Aga Muhlach Uninvited

Aga personal choice ni Vilma, magsosolian ng kandila kung ‘di tinanggap

MA at PAni Rommel Placente SPEAKING of Vilma Santos, sinabi  ng  Star For All Seasons na hindi naging …

Nadine Lustre Vilma Santos Aga Muhlach

Nadine sa pakikipagtrabaho kina Vilma at Aga — An oppurtunity of a lifetime

MA at PAni Rommel Placente ISA si Nadine Lustre sa mga bida sa pelikulang Uninvited ng Mentorque Productions. Gumaganap siya rito …

Blind Item, matinee idol, woman on top

Aktres naunahan ni choreographer kay matinee idol

ni Ed de Leon UMAMIN daw ang isang dating matinee idol na noong araw na nagsisimula pa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *