Wednesday , February 21 2024
Tirso Cruz III
Tirso Cruz III

Tirso, dapat tularan sa pagiging professional

MARAMI ang napahanga ng beteranong actor nang dumalo sa presscon ng pelikulang Jack Em Popoy” Puliscredibles na entry sa 2018 Metro Manila Fim Festival kamakailan kahit nagluluksa pa ito sa pagkamatay ng kanyang anak na si Teejay dahil sa cancer.

Ayon nga kay Tirso, ”I’m coping with the situation, sabi nga nila sa showbiz, the show must go on no matter what.

“Dumarating ang mga tao para pagserbisyuhan natin ng magandang pelikula,” pahayag ng aktor nang tanungin kung kumusta na siya matapos ilibing ang anak.

“Ito ang panahon na manonood ang mga tao, para ma-entertain, makapanood ng magandang pelikula kaya dapat naihihiwalay namin ang personal doon sa trabaho.”

“Kapag trabaho, trabaho. ‘Yung personal will come later and alam ko naman na likas sa atin na kapag may pinagdaranan ang tao, nauunawan nila ‘yun bagkus kami naman mga artista.

“Ang tungkulin namin ibigay ang tungkulin namin, ibigay kung ano ang inaasahan ng mga tao,” aniya pa.

“Nagpapasalamat ako dahil natutuhan ko sa kapwa ko artista, kapag may pinag­daraanan ka na mabigat, sarilinin mo muna at paglingkuran mo muna ang nagbigay sa ‘yo ng trabaho mo at tungkulin mo bilang artista.”

Ang Jak Em Popoy: The Puliscredibles ay pinag­bibidahan nina Vic Sotto, Coco Martin, Maine Mendoza sa direksiyon ni Mike Tuviera.

MATABIL
ni John Fontanilla

About John Fontanilla

Check Also

Vilma Santos Christopher de Leon Nora Aunor

Noranians pikon pa rin, ‘di matanggap pinakamatibay na loveteam ang Vilma-Boyet

HATAWANni Ed de Leon HALATA mong napipikon ag mga Noranian basta sinasabing ang pinaka-matibay na love team …

Zanjoe Marudo Ria Atayde 2

Zanjoe, Ria engaged na: Forever sounds good…and tastes even better!

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio ENGAGED na ang celebrity couple na sina Zanjoe Marudo at Ria Atayde. Kahapon, kapwa …

Alma Concepcion Rhea Tan Beautederm

Alma Concepcion, napaiyak nang bigyan ng 450K diamond ring ng Beautéderm CEO Rhea Tan  

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio NASORPRESA si Alma Concepcion at hindi napigilan ang pag-iyak nang …

Celeste Cortesi

Celeste Cortesi tapos na pageantry pokus na sa pag-aartista

RATED Rni Rommel Gonzales WALA pang plano na muling sumali sa anumang beauty contest si Celeste …

Nadine Lustre Faces and Flora National Museum

Mukha ni Nadine ibinalandra sa National Museum

MATABILni John Fontanilla TAMPOK ang mukha ni Nadine Lustre sa Faces and Flora: A Philippine Native Plant Photography …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *