Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

Thunderbird Resorts sa Rizal may ‘fly-by-night’ casino operations?! (Paging PAGCOR chair Didi Domingo)

ISANG kabulabog natin ang tumawag sa ating pansin sa operasyon ng casino ng Thunderbird sa Rizal.

Sa kanilang website ay bonggang-bongga ang hitsura ng Thunderbird Resorts & Casino. Talaga namang nakahihikayat tingnan lalo na’t ipinang-eenganyo na sila ay nasa paanan ng Sierra Madre.

Pero ang nakatatakot, sabi ng ating kabulabog, ang buong gaming area ng casino ay walang fire sprinkler system.

E hindi pa nga tayo nakaaahon sa kahindik-hindik na naganap sa Resorts World Manila na marami ang namatay nang silaban ng isang desperadong gambler  ang kanyang sarili kaya nadamay ang iba pang biktima.

Heto ngayon, may mababalitaan tayong nakalulusot sa Philippine Amusement and Gaming Corporation (PAGCOR) na isang casino sa isang malayong probinsiya na walang safety measures para sa kanilang clientele?!

Hindi lang kawalan ng fire sprinkler system, wala rin elevator o escalator kaya ang mga client na naka-wheelchair ay binubuhat pa sa hagdan para makapunta sa higher floor.

Ang sabi sa kanilang promotion, “The world-class casino boasts a number of gaming tables and playing machines, offering endless enjoyments to high rollers and casual players. But it’s not only there that guests get an upper hand at pleasure.

Wattafak!?

Paano naging world-class ang isang casino na walang fire sprinkler system at walang elevator o escalator?!

At paano nabigyan ng permiso ng lokal na munisipalidad ng Binangonan kung kulang sa mga rekesitos kaugnay ng kaligtasan ng mga kliyente?!

Pero ang higit sa lahat, paano nakalusot ‘yan sa PAGCOR?! Nag-iinspeksiyon ba talaga ang PAGCOR o umaasa lang sa report na ipinaaabot sa kanila?!

Kailan mapapansin ng mga awtoridad ang sandamakmak na paglabag ng Thunderbird Resorts & Casino sa Rizal, kapag may nangyaring trahedya gaya sa Resorts World Casino?!

Paging, PAGCOR chair, Madam Andrea “Didi” Domingo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected]. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

Aksyon Agad Almar Danguilan

Kapag tama ang paggamit ng pondo, lahat tayo panalo

AKSYON AGADni Almar Danguilan SA RAMI ng ingay na nilikha ng balita tungkol sa pagbabalik …

Aksyon Agad Almar Danguilan

500k TPMM raliyista safe sa seguridad ng QCPD

AKSYON AGADni Almar Danguilan HINDI sapat ang salitang “Salamat QCPD” sa pagbibigay seguridad sa halos …

Dragon Lady Amor Virata

Si general social media at tv ang gusto, ayaw sa diyaryo, para sikat!

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata SINO itong General na binara-bara ang mga diyarista at …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Tsismis vs katotohanan

AKSYON AGADni Almar Danguilan MARAMI nang naganap na pagdinig sa Blue Ribbon Committee tungkol sa …

Sipat Mat Vicencio

Chiz, Jinggoy ‘patay na ang karera sa politika’

SIPATni Mat Vicencio DAHIL sa iba’t ibang kontrobersiyang kinakaharap nina Senator Chiz Escudero at Senator …