KUNG ang sister na si Alex Gonzaga ay nakasali na sa Metro Manila Film Festival, si Toni ay first time raw na mapapasabak sa MMFF 2018 para sa entry movie nila ni Alex na “Marry, Marry Me” ni Alex na si Sam Milby lang ang nag-iisang lead actor.
First time rin ni Toni na mag-produce sa ilalim ng kanyang TINCAN kasosyo ang kanyang Mommy Pinty at si Alex at co-prod sila rito ng husband na si Direk Paul Soriano ng TENT17P Production.
Nang tanungin si Toni ng press sa grand presson ng movie nila na ginanap sa Hive Hotel sa Kyusi kung anong feeling niya na makikipag-compete siya sa mga “regular and heavyweights” ng MMFF na sina Coco Martin, Vice Ganda at Bossing Vic Sotto ay narito ang naging tugon ng TV host singer-actress: “Katulad ng sabi ko ‘pag ninenerbiyos ako or kung pumapasok ‘yung pressure, binabalikan ko lang no’ng bata kami ni Alex, binabalikan ko lang ‘yung time na nasa Taytay kami, tapos pupunta kami ng Cainta para manood ng MMFF, para pumila sa mga entries.
“Pag binabalikan mo lang ‘yun, ‘yun pa lang e, masa-savor mo na ‘yung opportunity na you’re part of the MMFF this 2018. So para do’n pa lang, grateful na ako.
“It’s not about competing against my friends in the industry who I’ve worked with also, it’s not about competing against them, e. It’s about being one with them in giving beautiful film this Christmas na makapagpapasaya sa mga tao.
“So instead of thinking na I’m up against them, parang we’re all together in this festival to give the viewers an option and so many beautiful choices to watch this Christmas,” sey ni Toni na very blooming sa presscon.
Tungkol naman kay Alex na una niyang makakatrabaho sa movie ay napabilib agad si Toni sa kanyang pretty and kikay sister. Ang husay daw ni Alex hindi lang sa comedy kundi sa drama at kinabiliban niya na after serious scene, ay madali siyang makawala sa kanyang character, hindi raw tulad niya na matagal bago bumalik sa normal. Si Alex daw hayun maingay na sa set, at enjoy raw sila sa pagiging funny ng kapatid.
Personal choice pala ni Toni si Alex dito sa Marry Marry Me dahil matagal na niyang gustong makatrabaho.
“I’ve always wanted to work with Alex, gusto kong makita kung paano siya makatrabaho sa film, kung ano ang magiging dynamics namin because in real life, and even ‘yung sa mga vlogs niya, and even on TV, I feel like we always have this strong bond and chemistry and I just wanna see how it will reflect on the big screen.”
Kay Sam naman ay top choice raw ang actor sa movie at mismong si Direk Paul Soriano pa raw ang nag-suggest na kunin nila. Ikinuwento ni Toni na ‘yung story ng film nila is about sisters, ‘yung relasyon ng magkapatid na na-involve sa iisang guy na si Sam.
Sinisiguro ng actress na lahat ng manonood ng movie nila ni Alex at Sam ay mag-e-enjoy kaya watch ninyo ito starting December 25 sa Cinemas nationwide.
This is directed by Direk RC Delos Reyes.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma