Thursday , January 29 2026
https://www.facebook.com/bingoplusph

Martin at Gary, inisnab ng audience; Vice at Coco, tinilian, pinagkaguluhan

NALUNGKOT kami para kina Martin Nievera at Gary Valenciano dahil nang una silang tawagin para sa production number nila sa nakaraang Family is Love:  The 2018 ABS-CBN Christmas Concert na ginanap sa Smart Araneta Coliseum ay walang pumalakpak sa kanila ni isa.

Nagkatinginan kami ng mga kasama namin at dahil naka-puwesto kami sa gilid ng stage na roon nakaupo ang mga executive ng mga programa ng ABS-CBN ay nabulungan din isa-isa.

May tinext kaming kakilala at sinabi naming, ‘hala, walang pumalakpak kina Martin at Gary?’ at kaagad kaming sinagot ng, “true!.”

May isa pang taga-ASAP Natin ‘To ang sumunod na lumabas sa stage at halos ganito rin ang response ng mga taong nasa loob ng coliseum, parang wala silang nakikitang kumakanta’t sumasayaw sa entablado.

Kaya sa mga sumunod na labas ng pioneer hosts ng ASAP ay recorded audio na ang narinig naming palakpakan.

Gusto na lang naming isiping pawang millennial audience ang mga nasa loob ng Smart Araneta Coliseum kaya deadma sila sa senior stars dahil noong naglabasan naman ang mga young loveteams ay halos maubusan sila ng boses sa katitili.

Pero teka, bakit noong lumabas sina Vice Ganda at Coco Martin ay tilian din ang lahat, hindi naman sila millennial actors?

Oh well, maski na anong sabihin pa, malakas pa rin sa TFC sina Martin at Gary kaya naniniwala kaming isa ito sa dahilan kung bakit sila regular sa ASAP Natin ‘To.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Raoul Aragon

Veteran actor Raoul Aragon pumanaw sa edad 78

KINOMPIRMA ng pamilya ni Raoul Aragon na pumanaw na ang veteran actor noong January 22, 2026, sa …

Nadine Lustre

Nadine galit na galit sa pumapatay ng ahas

MATABILni John Fontanilla DAMANG-DAMA ng publiko ang galit ni   Nadine Lustre sa sunod-sunod nitong post sa kanyang Instagram. …

Gina Marissa Tagasa Kokoy de Santos Rhen Escano

Gina Marisa Tagasa pumalag sa pagngawa ni Rhen 

I-FLEXni Jun Nardo REPLAY na pala ang episode sa Magpakailanman na tampok ang buhay ng Sparkle artist …

Lea Salonga

Lea hindi nakaligtas sa intriga

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SA kompirmasyong isiniwalat ni Lea Salonga hinggil sa hiwalayan nila ng asawa, marami …

Bong Revilla Jr Family

Pamilya Revilla matapang na hinaharap bagong pagsubok 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus EXPECTED na sa showbiz ang magkaroon ng hati o mixed reactions …