Friday , December 5 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph
Lea Salonga
Lea Salonga

Lea, inalmahan, pagkakasali ng Rainbow’s Sunset sa MMFF

KILALA ang international singer na si Lea Salonga who speaks her mind lalo’t kung nasa katwiran siya.

Of late ay may kuda si Lea sa kanyang social media account patungkol sa isa sa walong opisyal na entries sa MMFF. Ito ‘yung gay-themed movie na tampok sina Eddie Garcia at Gloria Romero, among others.

Hindi man namin basahin ang kabuuan ng script, umiikot ang kuwento sa pagkakaroon ng same sex relationship ni Eddie sa co-star niyang si Tony Mabesa. Kahit gay, nakuhang mag-asawa ni Eddie at magkaroon ng sariling pamilya sa istorya at doon na marahil kakapal ang plot ng kuwento.

Sa himig ng post ni Lea ay halatang kinuwestiyon niya ang pagkakasali ng Rainbow’s Sunset sa MMFF. Paniniwala niya kasi, dapat ay pambata ang mga pelikula.

Speaking for its producer, tiyak na hindi nila intensiyong ilaan ang pelikula para sa mga bata batay sa tema nito.

But we’re talking of a film festival na may kalayaan in terms of theme or genre.

Kung tutuusin nga, since hindi ito pambata ay malaki ang mawawalang kita sa takilya sa parte ng namuhunan.

Coming from Lea na ilang dekada na rin ang binilang at binibilang sa industriya, she would probably be the last person para sa amin na ‘di makauunawa sa mga ipinaiiral na guidelines sa MMFF. Ilang MMFF na ba ang inabot niya?

And what’s wrong if such gay-themed movie is in the festival, homophobic ba si Lea na sumisilong sa isang mundong predominantly gay?

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Ronnie Carrasco III

Check Also

Will Ashley Bar Boys 2

Will Ashley mas focus sa career kaysa pag-ibig

MATABILni John Fontanilla NO time for love ang motto ng Kapuso actor na si Will Ashley na …

TV5 tinapos deal sa ABS-CBN

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez KAPWA naglabas ng statement ang ABS-CBN at TV5 matapos naiulat na tinapos na ng huli …

Gerald Anderson Rekonek

Gerald iginiit single pa rin, ‘di nakipagbalikan kay Julia

MA at PAni Rommel Placente WALA palang katotohanan ang napabalita noon na nagkabalikan sina Gerald Anderson at Julia …

Catriona Gray

Catriona Gray malamig ang Pasko 

MATABILni John Fontanilla UMAGAW ng atensiyon sa netizens ang post ni Miss Universe 2018 Catriona Gray sa kanyang Instagram, …

Luis Manzano Jessy Mendiola

Luis Manzano no to politics muna, Peanut susundan na

ni MARICRIS VALDEZ AMINADO si Luis Manzano na hindi na niya naiisip na muling tumakbo sa politika …