NEXT year, 2019 ay mas magiging in-demand si Direk Reyno Oposa sa paggawa ng pelikula at lalong na-inspired ang Toronto Canada based director/movie producer at may mga baguhang producer na pinagkatiwalaan siyang mag-direk ng proyekto. Kaya maliban sa finished films ni Direk Reyno na “Agulo: Sa Hinagpis Ng Gabi,” “9 Na Buwan,” at ang pinag-uusapang “Luib” ng mga artistang sina Tonz Are, Celia Castillo, Aaron Oposa, Jed Kori, Lyka Lopez, Tim Reviro, Angelo Oposa, Nicole Cesca, Bammie Bravanto, Urduja Festival Best Actress Elizabeth Luntayao, Drew Bravante, Faith Pontillas, Joshua Zapanta na pinagtulungan nilang idirek ng kanyang assistant director na si Benedict Pioquinto.
Apat sa gagawin ng kaibigan naming filmmaker (Direk Reyno) ang “Bahaghari Sa Alapaap,” at “Dugyum” na ilalahok sa 2020 Cinemalaya at ang para sa QCinema na mga pelikulang “Dambana” at “Hiram Na Binhi.”
‘Yung sa mga baguhang produ ay dalawang movie ang nakatakdang gawin sa kanila ni Direk Reyno na inumpisahan nang buoin ang cast. Waiting naman sa availabilty ang movie na ididirek ni Oposa sa Ontario, Toronto, Canada na pagbibidahan ng international actress na si Angeliki Symeonides na balak nilang isali sa mga festival sa Europe at Canada.
Napakakontrobversiyal ng tema ng movie na kapag nabuo ay siguradong pag-uusapan sa ibang bansa.
VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma